(+63)906-526-8298

Welcome campers!

About Us

Our Story

Ang Camp Demidog ay mga furbabies ng couple writers na sila Liit at Payat. Dahil idol namin ang mga mga furparents namin gusto naming sundan ang kanilang nasimulang pagsusulat na mula sa puso at walang kinikilingang product/services review.

Who we are?

Ang Camp Demidog ay isang grupo ng mga furbabies na kalahating aso at kalahating blogger. Kami ay nangangarap maging social media influencer at isang matagumpay na writer. Nag-simula ang camp sa House of Pomeranian, sinundan ng Cabin of Husky. At nito lamang dumagdag ang Dorm of Aspin.

Ang Camp Demidog din ay isang registered Kennel sa Philippine Canine Club, Inc. (PCCI) at may planong mag-tayo ng isang pet cafe sa Bulacan kung saan pwedeng makasama at makalaro ng mga hooman ang mga makukulit na demidog

Our Origins

Ang Camp Demidog ay mula sa paboritong Rick Riordan book series ni daddy Payat na Percy Jackson. Merong camp dito na kung tawagin ay Camp Half-Blood. Isa itong safe place para sa mga half human, half god or mas kilala sa tawag na demigod.

What do we do?

Ang site na ito ay naglalaman ng mga travel and food adventure or events na may kinalaman sa mga doggos at woofers. Ang mga demidog ay sumusulat base sa kanilang karanasan sa isang produkto or serbisyo.