Eliminate Bad Odor of Urine and Poop by Inovida Agrivet Essentials

Problema nyo din ang paglilinis ng kennel or ng pwesto ng mga demidog nyo? Ihi dito ihi don, pupu dito pupu doon? Sira ang body clock dahil laging wrong timing kung umariba ang mga puwet? Yan ang isa sa laging kinakamot ng ulo ni daddy Payat sa camp dahil kaming mga demidog nya wala sa oras kung atakihin ng kalokohan sa pag ihi at pag pupu. Kaya laging nakasimangot tong si daddy Payat kapag nakikita nya ang kwarto namin na puno ng ihi at pupu sa umaga.

Buti na lang at may nakilala kaming gawang Bulacan na pet essentials ang Inovida Agrivet Essentials at sagot sa problema ni daddy Payat. Alam naman natin na hindi madaling alisin ang amoy ng ihi at pupu natin. Kahit ilang buhos pa ng tubig ang gawin madalas andyan pa din yan nakakakapit pa din sa mga sulok sulok. Kaya nga yung ibang brang ng panglinis is merong matatapang na amoy para madaling maalis ung amoy ng ihi at pupu. Pero aminin nyo minsan pag ganun ang brand, masakit sa ilong pag ginagamit at minsan hindi pa pwede pag meron ding baby tayong kasama sa bahay.

BAKIT NAGUSTUHAN NG CAMP DEMIDOG ANG INOVIDA AGRIVET ESSENTIALS

Ang isa sa hinahanap ng camp na panglinis sa pwesto namin is dapat safe ito sa kasama naming baby. Unlike kasi sa ibang brand na matatapang ang amoy, usually pag naglilinis na si daddy payat sa labas at sa kwarto namin, di mailabas sa sala ang baby nila daddy Payat at mommy Liit dahil masakit talaga sa ilong ung amoy. Ang Inovida Agrivet Essentials na Urine and Odor Eliminator – walang amoy – as in odorless yung product. Pero yun yung ipagtataka mo kasi once na gamitin mo na sya, ung amoy ng ihi at pupu infairness nawawala talaga. Alam nyo yung mga product na ginagamit na pang spray pag yung hooman nagpupupu sa public cr? Yun yung pumasok sa isip namin nong first time naming gamitin yung Inovida Agrivet Essentials Products.

PWEDE BA TO SA MGA GALANG DEMIDOG?

Pwedeng pwede, dahil meron silang item set na madaling bitbitin. Kaya yung mga mahilig mag-jogging or mag-walk na demidog or gumala sa mall and any public place at di talaga maiwasan na biglang tinawag nang kalikasan? Hindi nyo na poproblemahin kung paano maalis yung amoy ng panghi or pupu nyo. Dahil ilang spray at patak lang nito sure kaming tanggal yan at di na mamomoblema ang hooman nyo na mapagalitan ng security guard. Pero syempre wag pa din nyo kakalimutan mag suot ng diaper at magdala ng poop bag. Maging responsible pa din tayong mga demidog kahit saang lugar.

SAAN NAMAN SYA PWEDENG MABILI?

Madami na silang reseller dito sa Bulacan. Isa na dito ang Paws and Hooman sa San Rafael, Bulacan. Nagra-range ang price nila from 165.00 – 450.00. Pwede nyo sila i-message kung interesado kayong bumili at subukan ang Inovida Agrivet Essentials. Pwede din kayong dumirekta sa Facebook Page ng Inovida Agrivet or sa kanilang Official Shopee Account.

Demidog Rating

Effectivity ๐Ÿพ๐Ÿพ๐Ÿพ๐Ÿพ
Price๐Ÿพ๐Ÿพ๐Ÿพ
Packaging ๐Ÿพ๐Ÿพ๐Ÿพ๐Ÿพ๐Ÿพ

Overall: ๐Ÿพ๐Ÿพ๐Ÿพ๐Ÿพ
Verdict: Demidog-approved!