(+63)906-526-8298

Welcome campers!

Collab

Ngayon palang nagpapa-salamat na ang buong camp sa inyong interest na maka-trabaho ang mga demidog.

Kung wala ka ng tanong at handa ka ng pag-usapan ang posibilidad nating partnership, maaari kayong mag-email sa amin para sa rates. Ngunit kung may trust issue ka naman dahil na din sa mga pinagdaanan mo sa buhay, tuloy mo lang ang pagbabasa at baka mabago namin ang isip mo na hindi lahat ay manloloko at pare-pareho kahit hindi mo pa naman naging jowa ang lahat ng lalaki / babae.

Ang Camp Demidog ay mga doggos at woofers nila Liit at Payat ng Baliwag, Bulacan. Kami ang mga pausbong na bagong henerasyon ng social media influncer. Ang mga furparents namin ay matagal ng bloggers. Si daddy Payat ay nag-simula pa sa Tumblr samantalang si mommy Liit naman ay nag-tapos sa Ateneo De Naga at kumukuha ng masteral sa University of the Philippines sa kursong Journalism. Ang mga naging experience nila ang sandalan ng buong camp para makapag-sulat din kami ng tama na walang kinikilingang prudokto or serbisyo.

Para sa mga gustong kumuha ng serbisyo ng mga demidog, tumatanggap ang buong camp ng mga sumusunod.

  • Sponsored post / product review
  • Sponsored contests / giveaway
  • Affillate marketing partnership
  • Marketing consultancy

Kung iniisip nyo naman na baka pricey ang rates ng mga demidog, meron kaming tinatawag na Gifts for Demidog kung saan tumatanggap ang buong camp ng mga free trial item para masubukan ng mga demidog. Gagawa kami ng isang social media tungkol sa nasabing gift.

Para sa media kit, maaring mag-ask ng details ang mga future client sa facebook page namin or mag-email sa [email protected]