Sino ba naman ang ayaw makapag gala tuwing summer? Syempre wala, kaya naman hindi papahuli ang inyong mga blogger na pomeranian. At ngayong Summer 2018 – kami ni Snow ay gumala sa Rizal all the way from Bulacan. Hindi alintana ang init kahit na naka-ordinary bus kami nila daddy pa-Cubao.
At pagdating ng Cubao doon na namin hinintay si mommy para bumiyahe papuntang Rizal. At after ng halos apat (4) na oras mula sa Bulacan narating din namin ang aming destinasyon.
Sabi sa ibang blog, ang Sierra Madre Mountain Resort Hotel and Conference Center ang unang resort na naitayo sa area na to. Kung totoo man ito, makikita naman talaga ito sa ilang bahagi ng resort. May lumang swimming pool at may lumang hanging bridge kayong makikita sa loob ng resort. Pero sa kabila nito madami pa din ang nagpupunta dahil maganda ang area lalo na para sa mga gustong mag team building dahil madami pa din silang ino-offer na attractions. Ilan sa mga ito ay sinubukan namin ni Snow.
Matapang na tinulay ni Snow ang bagong hanging bridge papunta sa malaking Sto. Nino. Ito ay makikita sa bungad lamang ng resort tapat ng function hall nila.
Nag-pictorial din kami ni Snow sa mala-hardin sa bahay ng isang Romano na matatagpuan katabi mismo ng function hall.
Samantalang ako naman ay umawra sa view deck ng resort. Tamang tama ang background para sa mga gustong mag-emote or di naman kaya ay mag-pre nup.
Nilibot pa namin hanggang sa dulo ang resort at nakakita kami ng playground kaya naman sinubukan din namin mag-swing. Ma-eenjoy ito ng mga chikiting nyong kasama.
Ang kwarto na kinuha namin is nagkakahalaga ng P3,500.00 at kasya dito ang pitong (7) katao, hindi nga lang aircon pero bakit ka pa mag-aaircon kung ang klima naman is malamig di ba?
Sinubukan din naming maglakad sa trail papuntang falls. Sa daan papuntang falls, may isa pang swimming pool na madadaan. Maganda para isang private occasion dahil may mga available din na room sa area.
Hindi din naman kayo magugutom after ng mahabang lakaran dahil may available na food na pwedeng pag-orderan ng pagkain.
Paano pumunta sa Sierra Madre Mountain Resort
- Cubao – Cogeo (30- 35php / Jeep or UV Express)
- Cogeo – Sampaloc (55php)
Sabi ng ibang blog hindi 24hours ang byahe dito unless may tricycle na umaasa tulad mo na sana may magbakasali na pumansin sa kanya sa halagang 500php ang isang byahe pabalik Cogeo.
Narito pa ang ilang kuha ni daddy sa mga view sa resort
Sa loob ng resort is madaming doggo ang nakakalat pero mga friendly dogo naman, narito ang ilan sa nahahip ng camera ni daddy. May ilang guest din na may mga dalang pupper sa kanilang bakasyon.
Syempre hindi mawawalan ang selfie namin sa aming mommy at daddy.
Place: ⭐️⭐️⭐️
Rate: ⭐️⭐️⭐️
Food: ⭐️⭐️⭐️
Pet Friendly: 🐶🐶🐶