Aminado kami ni #FireTheDogBlogger na isa kaming malupit na #PickyEater. Hindi na nga malaman nila daddy Payat at mommy Liit kung ano na ang ipapakain sa amin dahil sa sobra namang pihikan. Hindi na din mabilang ang dog food na sinubukan nilang dalawa para lang sa amin. Nandyan ang Royal Canin na nagbigay sa amin ng magandang fur at hindi maamoy na poop. Napuntang Vitality nong panahon na walang makuhanan sila mommy at daddy ng Royal Canin dahil nag-rebranding sila kaya naman madalas out of stocks ito sa merkado. Nag-try ng Natures Protection na nakita namin sa Pet Expo 2018 at pati ang Top Breed na nong una talagang nagustuhan namin at nakita nila daddy at mommy na may changes na binigay kay Fire. Pero lahat yan – after ng ilang weeks hindi na namin pinansin. Sinubakan din nila na haluan ang dog food namin ng pinakuluang chicken liver, chicken breast, ground beef at ngayon ay pork liver na may halong carrots, patatas, kamote, sayote o brocolli pero lahat yan ay pinagsasawaan namin after ng ilang kainan. Base na din sa mga nakausap ng furparents namin pag nagpupunta kaming mga expo or event. Madalas sa breed namin na pomeranians ay picky eater at kahit sila ay nahihirapan pakainin ang mga furbaby nila. Sa ngayon nag-stay sila mommy at daddy sa Royal Canin but still hindi pa din sila sumusuko na makahanap ng tamang dog food para sa amin at yan ang topic namin sa blog na to.
Nakita nila mommy at daddy ang post ng Nutram sa Facebook Page nila na nagsasabi na ang brand nila ay ginawa para sa mga doggos na picky eater. Isa pa sa nagpakumbinsi na kumuha ng Nutram ang mga furparents namin ay dahil sa kanilang promo na “guaranteed money back” kung hindi naman kakainin ng doggo ang kanilang product maaring ibalik ang product at ibabalik nila ang pera depende sa nabawas dito.
Pero ano nga ba ang Nutram?
Base kay Robie De Guia, contact person na binigay kay daddy ng Nutram Facebook Page nong nag-tanong sya kung kanino pwede makakuha ng ilang facts tungkol sa brand – ang Nutram ay isang Canadian Brand ng dog food na nag-simula pa noong 1993 sa Ontario, Canada na halos tatlumpung (30) bansa na ang nag-titiwala dito. Naging available ang Nutram sa Pilipinas nito lamang July 2018 sa tulong na din ng Dunsk Kuhner Corp na sya ding owner ng Saint Roche at Furmagic na parehong brand ng dog shampoo na gamit naming lahat sa Pom The Dog Blogger. Tinanong din ni daddy kung ano ang meron sa Nutram na wala sa ibang brand and we quote
First, it doesnt contain RED ingredients. If you check Nutram Total Grain-Free in dog food advisor, there will be no RED highlighted ingredient which means that they are harmful to dogs. (95% of the dog food brands in the Philippines are rated 2 star or 3 star only and with lots of RED ingredients.) Second, nutram doesn’t add Salt or flavoring in our food since we use only high grade meat fillet. Not by products. Dogs love the taste of nutram without any additional flavoring. It is high in protein but is sourced from vegtables that’s why it’s hypoallergenic. Other brands get most of its protein from purely animal meat, Nutram is a combination.
Nag-decide sila mommy at daddy na hindi na ibalik ang Nutram kahit na may promo sila na money back guarantee kung hindi magugustuhan ng mga doggos ang brand nila dahil kahit papano ay kinakain naman naming tatlo lalo na si #BlazeTheDogBlogger ang dog food. Ang promo nilang money back guarantee ay hanggang November 30, 2018 lang.
Isa din sa napansin nila mommy at daddy na changes nong nag-start kami sa Nutram ay ang poop namin. Konting poop lang ang nilalabas namin dahil lahat ng nutrients ng nasa dog food ay napupunta sa katawang aso namin at ang talagang waste lang ang nilalabas namin at hindi din sya ganun kabaho. Pag dating naman presyo sa mga pinagdaanan naming mga dog food, ang Nutram ang may pinakamataas na presyo na nagkakahalaga ito ng P2,850.00 para Total Grain Free T-28 Trout and Salmon Meal na 6.8KG lang.
Aminado din naman ang Nutram na sila ang most expensive dog food sa merkado. Mabibili ang Nutram sa Pawfect of Tiendesitas, Pooch Park, Pet Warehouse and soon in Pet Express as per Mr. Guia. Sa mgayon kung magiging effective talaga ang Nutram samin lalo na kay Fire feeling ko naman nakahanap na si daddy ay mommy ng alternative dog food na para sa amin.
Paalala: Walang masamang intensyon ang #PomTheDogBlogger sa mga brand ng dog food na nabanggit at hindi ito sponsored post ng Nutram.
Hey – I’m working with a company that is looking for sites that have content relating to pets and I came across yours.
Any chance you’d be open to hearing about a way you could link to a merchant and make money in the case someone clicks on the link and purchases something?
Just wanted to see if it’s something you’d be interested in hearing about! If not, I hope you have a great day!
Hi Robert,
You can send the proposal to [email protected] if you still looking for a colab.
Thanks.