Nag-hahanap pa rin ba kayo ng beach na malapit sa Manila at pwede ang mga furbabies na tulad namin ni #SnowTheDogBlogger? Pwede nyong subukan ang Laki Beach sa Five Fingers Cove ng Mariveles – ang probinsya sa Bataan na nasa history books dahil sa makasaysayang Death March.
Apat (4) na oras ang byahe mula sa Manila pero salamat sa 1Bataan dahil mas lalong napadali at napabilis ang byahe papunta dito. Maari na kayong magpa-book sa 1Bataan ayon sa blog ng Project Gora. Pero wala dyan sa dalawang yan ang naging ruta namin dahil galing na lang naman kami ng Bulacan.
Nag-sisimulang makilala ang Laki Beach ngayon sa social media dahil talaga namang napakaganda nya. Pino at puting buhangin, malinaw na tubig, sariwang hangin ang pwedeng ibigay sayo ng beach na to.
Saktong sakto para maisantabi mo ang mga hugot mo sa buhay. Pero bago natin pag-usapan ang Laki Beach, pag-usapan natin ang iba pang parte ng Five Fingers Cove at side trip sa naging adventure namin sa Mariveles.
Bakit Five Fingers Cove ang tawag dito?
Tinawag na Five Fingers Cove ang lugar dahil kung titingnan mo ito mula sa itaas mukha talaga syang limang daliri at lahat ng cove dito ay pwede nyong puntahan – pero syempre dapat maganda ang panahon para hindi maalon. Ang Talain Cove, Apatot Beach/Cove, Pulong Kwayan Cove/Bat Cave, Tinanlakan Cliff Diving, Nagbintana Arc at Laki Beach ang bumubuo sa Five Fingers Cove.
Hindi kami dinala ng bangkero namin sa lahat ng Cove dahil ilang spot lang ang hinintuan namin. Sad kasi nagbayad naman kami ng buo sa renta sa bangka.
The Bat Cave/Pulong Kwayan Cove
Para sa mga marurunong lumangoy pede nyong pasukin ang loob ng bat cave para makilala at makita nyo ang mga kamag-anak ni Dracula. Medyo mahirap mag-picture picture sa gilid lalo na kung dumagsa na ang mga tao dahil kailangan mong kumapit sa mga matutulis na bato para di ka ma-fall kasi masakit kapag hindi ka sinalo ng bangkero nyo.
Tinanlakan Cliff Diving
Para naman sa mga gusto ng extreme subukan nyo na din mag cliff diving sa Tinanlakan Cove kung saan ang babagsakan nyo lang naman ay 40 feet sabi ng mga bangkero. Masaya sana kung marunong ka lumangoy para di ka mapahamak. Sana kung malulunod ka lang sa pagmamahal ng crush mo okay alng kahit di ka marunong lumangoy di ba?
Nagbintana Arc
Dito masarap mag pictorial dahil sa ganda ng rock formation. Maganda umawra dito tulad ng ginawa namin ni Snow. Kayang lakarin ang iba pang parte ng lugar dahil mababaw lang naman ito pero puro bato nga lang kaya kailangan ng doble ingat lalo na kung may kasama kayong mga furbabies. Sana kung ikaw lang yung masusubsob di ba?
Side Trip
Sisiman Lighthouse
Pwede nyong puntahan ang Sisiman Lighthouse bago or pagkatapos nyo pumunta sa Five Fingers Cove. Walang bayad sa Sisiman Lighthouse at madali naman talaga itong puntahan mula sa parking area ng nasabing lugar. Pero may mga bata don na nagbabakasaling maambunan ng konting biyaya mula sa mga dumadayo para i-guide sa lighthouse katulad ng paghihintay mong maambunan din sana ng konting pagtingin ng crush mo. Kung matatag-tatag pa ang mga tuhod nyo pwede nyo din subukan akyatin ang isang napakalaking tipak ng bato na kung tawagin ayon sa waze app ay San Miguel Peak. Pwede nyo din subukan akyatin ang groto na nasa katapat ng peak. May beach din dito pero hindi namin nakita ng maayos ni Snow kung maganda ba dahil sa side namin puro malalaking bato ang nasa harap ng mga cottages.
Main Event
Laki Beach
Dito pwedeng mag-overnight. Namnamin ang sariwang hangin habang nakahiga ka sa puting buhangin, pero syempre wag naman yung tirik na tirik ang araw dahil kawawa naman kaming mga furbabies. Pwedeng magdala ng sariling tent or pwede din namang mag-rent ng tent doon. Iilan lang ang cottage nga lang kaya naman first come first serve or kung tama yung narinig namin ni Snow pwede na kayong mag-pareserve kung may contact kayo doon. Mag-dala ng maraming tubig hindi lamang dahil mabilis kayong mauhaw sa sobrang init ng panahon dahil syempre kasama nyo kami. Kung mauubusan ng tubig may binebentang 6 liters ng mineral water don pero nagkakahalaga ito ng 170php. Kahit na makikita mong dagsa dagsa ang bumababa sa mga bangka na paparating hindi mo makikitang punong puno ng tao ang harapan dahil may mga pwedeng mapuntahan na lugar na magandang pang pictorial. Kaso manggigilid ka nga lang sa mga batuhan para marating yun. Hindi na namin napuntahan dahil nahirapan si Daddy Payat na hawakan si Snow habang inaalala si Mommy Liit at ako pati na din ang bago nyang Oppo F7. Pagdating naman sa palikuran, may available naman kaso syempre pila at mag-iigib ka pa ng pampaligo kung gusto mo ng magbanlaw. Kung hindi ka naman maarte tulad namin, doon na kami mismo nagbanlaw sa labas kung nasaan ang source ng tubig.
Panoorin ang aming munting video na gawa ni Daddy Payat
Paano pumunta ng Five Fingers Cove?
Kung galing kayo ng Manila at gusto nyong mag DIY, ang bus line na tulad ng Genesis at Bataan Transit sa Cubao ay Pasay ay may daily trip papuntang Mariveles. Pagkababa sa terminal sumakay ng tricycle papunta sa Porto sa bayan ng Balon at sa Porto pwede na kayong makipag tawaran sa mga bangkero para ilibot kayo sa Five Fingers Cove at ihatid sa Laki Beach at magpasundo kung anong oras nyo gusto. Pero ang sabi ng bangkero namin ay 5:00pm ang last trip ng bangka pabalik ng Porto dahil mukhang mahirap na pumalaot ng madilim na ang paligid.
Magkano ang magagastos?
- Manila – Mariveles: 280php (based on blog of jontotheworld)
- Mariveles – Porto: 75php (based on blog on jontotheworld)
- Boat Rental: 3500php (based on our experienced / minimum of 5 maximum of 10 persons additional 300php-350php per pax)
- Laki Beach Entrance: 200php (based on our experienced)
- Porto – Mariveles: 75php
- Mariveles – Manila: 280php
Total: 4,410php
Isang mahalagang paalala lang sana ang gusto naming iwan sa lahat ng pupunta sa Laki Beach, huwag sanang babuyin ang isla. Itapon sa tamang lugar ang plastik na gagamitin sa oras ng tsibugan.
OMG Snow is so cute! I hope to meet you and snow in someday. Thanks for this comprehensive guide. I’ve been to Bataan last year to celebrate Araw ng Kagitingan. I felt bitin because I wasn’t able to visit any beaches. I’ll definitely go back there!
I always read about Laki beach in Bataan especially in DIY travel. Mukhang maganda nga siya and perfect for camping. Marami din kaya tao dito kahit weekdays? 🙂
Cute dogs, btw.
Nagstandout talaga yung mga doggos sakin e hihihhi
I am truly distracted on how gorgeous your dogs! Adding this location for our next trips!
Nakakatuwa! ang cutie ng mga dogs and mukhang they enjoyed the beach! I was in Bataan last week but I only had the chance to visit Dunsulan falls. Would love to visit this one too
Ang sipag mo magdala ng dog! haha Pero atleast may model ka 🙂
It is great that Bataan now is easy to travel for Manila commuters. I’m from Pampanga and here to Bataan usually also takes an hour or so. I’ve even heard about Five Fingers but haven’t made it there yet.
Waaa. So cute your dogs. Im a dog lover too so nakaka-happy talaga na makasama sila sa mga ganyang beach trips. They looked so happy 😍
Uy gusto ko rin pumunta dito! Nakakatuwa, ang dami nang magagandang resorts and beaches sa Bataan!
I’ve been wanting to go there! Thank for the feature, definitely bookmarking this
Timely for summer! And very cool with the explanation why this is called “Five-fingers” haha! Makapagdala nga ng drone, kidding!
Ang mga lakwatserong pomeranian ng Camp Demidog!
Bataan can be considered my hometown but I’ve hardly visited its much lauded beaches. Hope to have a chance to experience something similar soon.
OMG! Ang cute ng furbabies mo!!!
Nag ganda ng resort at ang cute ng mga dogs. Masarap i-try ang camping by the beach.
ang adorable ng mga fur babies. nag enjoy ako sa pagbasa ng blog mo kasama ng mga cutipies na to:-)
Pero mas enjoy po kung meron din kayong #SummerGoal kasama ang mga woofers nyo 🐶