Homemade dog food tips and recipe

Sabi ng ilang hooman as much as possible daw dapat hooman food ang ipakain sa aming mga furbabies at huwag kaming sanayin sa dog food. Pero hindi naman lahat ng hooman food ay pwede sa amin. At sa panahon ngayon na usong uso ang cooked food or raw food para sa aming mga furbabies, naisipan ni daddy Payat na gumawa ng sariling version nya ng homemade dog food.

Nag-iisip na sila mommy Liit at daddy Payat na kumuha or bumili ng cooked food na naglalabasan ngayon sa merkado pero dahil nga maselan kami nag-experiment muna si daddy sa recipe na binigay ni mommy gamit ang Muddy Paws Virgin Coconut Oil ng erthe source na nabili nila dati sa Pet Express.

 

Tatlong homemade dog food ang nagawa ni daddy – Beef Stew, Chicken Stew, Plain Beef.

Beef Stew

Ingredients

  • Giniling na baka
  • Kangkong / Malunggay
  • Patatas / Kamote
  • Carrots
  • Virgin Coconut Oil

Plain Beef

Ingredients

  • Giniling na baka
  • Atay ng manok
  • Carrots
  • Virgin Coconut Oil

Chicken Stew

Ingredients

  • Chicken
  • Atay ng manok
  • Kangkong / Malunggay
  • Patatas / Kamote
  • Carrots
  • Apple
  • Virgin Coconut Oil

 

Napakadali lang gawin ng home made dog food na to igigisa mo lang gamit ang VCO ng Muddy Paws ang mga meat at saka ilagay ang mga gulay. Lagyan ng tubig sapat para macover ang niluluto hanggang kumulo at saka i-simmer ng 20 minutes. But first, kailangan mo muna pakuluan ang patatas o kamote hanggang sa lumambot ito. Yung iba slow cook ang ginagawa kung saan niluluto ito ng 6-8 hours pero dahil mahal ang gasul ngayon hindi namin ginawa ang slow cook method. Mas maganda na din kung talagang durog na durog ang lahat ng ingredients para hindi na kami mahirapan.

So far so good. Lahat ng member ng Camp Demidog ay kumain ng niluto ni daddy. Hindi kami nahirapan kumain at kahit papano ay nawala ang pagiging pihikan namin sa pagkain.

Gumawa din si daddy ng Frozen Wintermelon na may Yakult. Kung ayaw nyo ng Yakult pwede nyo subukan ang plain na Yogurt

Nag-bake na din si mommy dati nong birthday ni Snow ng dog cake na may ingredients na

Cake ingredients

  • Egg
  • Giniling na baka
  • Carrots
  • Oat meal
  • Atay ng manok

Frosting ingredients

  • Potato
  • Water
  • Carrots

Para may idea kayo kung bakit nag-eexperiment si daddy narito ang ilang listahan ng mga nauusong home made dog food sa merkado.

Para sa mga gustong i-try ang brand na Muddy Paws, pwede nyo i-visit ang kanilang website or Facebook Fan Page or kanilang Shopee Account.

Ang blog na ito ay hindi sponsored post ng kahit anong brand na nabanggit.