Sa pag aalaga ng demidog dapat lagi kang handa sa pedeng mangyare tulad ng pagkamatay nila. Ilang beses ng namatayan ng demidog si daddy Payat bago pa kami dumating at nabuo ang Camp Demidog. Pero this time ramdam namin sa camp na hindi nya pa matanggap ang pagkawala ng isa sa original member na si Blaze The Mini Writer.
Ang mga demidog na tulad namin ay napakalaking parte sa buhay ng mga hooman. Hindi naman kami tatawaging man’s best friend basta basta di ba? Kami yung kasama nyo pagga-gala sa mall or sa park, katabing matulog, stress reliever pag-dating sa bahay. Kaya naman kapag nawala kami alam namin na malulungkot at dadamdamin ng sobra ng isang hooman.
Paano nga ba dapat gawin pag-nawalan ka ng Demidog?
Lahat ng hooman pag nawalan ng demidog ay dumadaan at dadaan sa napakahirap na proseso. Tulad ngayon ni daddy Payat for sure kahit di nya sabihin hindi pa nya na poproseso ang pag-kawala ng Caviteño na si Blaze kahit magtatatlong buwan na ng iwan kami ni Blaze. Ayon sa ilan bago mo tuluyang matanggap ang pag-kawala ng demidog mo pagdadaanan mo ang mga sumusunod.
- Denial – Dahil nga hindi mo matanggap, hindi ka makapaniwala na ganun ganun lang nawala yung demidog mo.
- Guilt – Guilty ka dahil pakiramdam mo wala kang nagawa para sa kanya.
- Sadness – Ilang araw / weeks na magiging malungkot ka dahil araw araw mong naalala na wala na talaga sya.
- Acceptance – Hanggang sa tuluyan mo ng marealize at matanggap na wala na talaga ang demidog mo at kailangan mo ng mag-move on.
Walang makakapag-sabi kung gaano kahaba or katagal ang proseso ng pagtanggap ng pagkawala ng demidog mo na halos araw araw mong nakakasama. Iba iba ang hooman pag-dating sa bagay na to. Kung abutin ng taon, walang masama doon. Kailangan ng hooman ng support sa kapwa hooman nya para mas mapabilis ang proseso ng pag-tanggap.
Paano mo tatanggapin na wala na ang Demidog mo?
May mga hooman na namatayan ng demidog na kahit merong mga kaibigan,kapamilya na dumadamay sa kanya, may factor pa din na hindi nila magagawa para maibsan ang nararamdaman dahil ikaw at ikaw lang ang pedeng humarap doon.
- Tanggapin mo yung lungkot at sakit na nawalan ka ng demidog. Kung hindi mo ito magagawa, mahihirapan kang iproseso ng pag-tanggap na wala ang four-legged baby mo.
- I-express mo ang nararamdaman mo, mapa-diary man yan, journal, post sa social media, gawin mo dahil kailangan mong ilabas lahat ng gusto mong sabihin at kahit papano ay mabawasan ang nararamdaman mo.
- Paghandan ang pet burial or pet cremation. Sabihin man ng ibang hooman na OA pero kung isa ito sa paraan para matanggap mo na wala na talaga ang demidod mo gawin mo. May mga ilang pet cemetery at pet cremation na din naman dito sa Metro Manila or dito sa Region III na pedeng makita.
Magkano ba at saan pedeng magpa-Pet Burial or Pet Cremation?
Madami na ding ang nag-ooffer ng gantong service dito sa atin. Isa na dito ang Loyal Pet Cremation kung saan sila ang nag-service kay Blaze. Ang Loyal Pet Cremation ay matatagpuan sa Pampanga. Nawala sa amin si Blaze ng November 21, 2022, November 22, 2022 napick- up agad nila si Blaze dito sa amin sa San Rafael. Yes po sila po mismo ang magpipick-up ng ating demidog na tumawid na sa rainbow bridge. Same day din ng nagkaroon ng live viewing kay Blaze ang Loyal Pet Cremation.
Hindi din biro ang cost ng cremation ng isang demidog. Umabot din ng P10,500.00 ang service na ginawa kay Blaze.
- Package Price: 8,500.00
- Pick up Fee (Pampanga to San Rafael Bulacan): 750.00
- Additional Paw Cast: 950.00
- Delivery Fee (3rd party rider): 300.00
Pwede naman kayo mag-invest sa isang pet insurance para may makatulong sa inyo kung sakaling pag-daanan nyo ang pinagdaanan ni daddy Payat namin. Madami na ding pet insurance company ang nag-ooffer dito sa Metro Manila. Isa na dito ang Metropolitan Insurance Company Inc o mas kilala sa tawag na MICI. For as low as P 1,125.00 sa kanilang pet insurance pede nyo ma-cover ang mga sumusunod.
- Accidental Death and Permanent Disability for Pets
- Pet Medical Cash Assistance
- Pet Burial Assistance
- Lost Pet
Kagandahan lang din nito is hindi lang pet ang naka insured dahil pati ang owner pedeng macover ng mga sumusunod
- Accidental Death and Permanent Disability
- Unprovoked Murder and Assault
- Accidental Death and Permanent Disability of Owner and/or Pet due
to Acts of Nature - Accidents due to Motorcycling
(Owner and/or Pet)
Hindi maikakaila na talagang masakit tanggapin ang pagkawala ng isang demidog. Pero kailangan nyong tandaan hooman lalo na kung meron kang pack sa poder mo na hindi lang ikaw ang nawalan, nawalan din ang ibang demidog mo. Ituon mo din sa kanila ang atensyon mo. Icheck mo din sila kung kamusta sila after ng ilang araw nang pagkawala ng isa sa kanila. Ang pack nyo lang din ang maasahan nyo sa gantong sitwasyon.