Pet Boarding and Hotels in Metro Manila

May gala ka ba na hindi natutuloy dahil walang mag-babantay sa mga furbabies mo? Ilang long weekend gala na ba ang na-like mo sa mga post ng barkada mo? Aba! Wag mo nang idagdag ang paparating na holy week sa listahan na yan dahil nag-interciew kami ng pet boarding house via messenger chat kung saan pwede nyong iwanan ng ilang araw ang mga furbabies nyo.

Alam namin ang struggle nyo pagdating sa bagay na yan dahil ganyan din ang nararamdaman nila mommy Liit at daddy Payat. Yes, pwede kaming isama sa travel pero isang malaking problema ng furparents namin is ang pag-commute. Hindi naman kami yung furfamily na kayang kayang gumala basta basta dahil may sarili kaming car na pang road trip. At for sure madami dyan na furparents na nasa gantong sitwasyon din. Kaya naman heto at baka sakaling makatulong sa inyong mga future plans na gala ang ginawa naming listahan ng mga pet boarding na makikita sa metro.

The Paw Club Philippines

Dalawang beses na namin napuntahan ang The Paw Club Philippines, sa katanuyan nga nyan sumulat pa kami ng article last year tungkol sa experienced namin sa service nila. Pero never pa namin nasubukan ang kanilang hotel dahil ang cafe and grooming services palang ang nasusubukan namin sa kanila. Ang The Paw Club Philippines ay nag-open last July 2018 (soft opening) at matatagpuan sila SM by the Bay, MOA Complex, Pasay City.

Merong silang tatlong room at ang regular rates nila ay depende sa kung ilang araw mananatili ang mga furbabies nyo.

1-2 days rates

  • Deluxe Room: P600.00/day
  • Suite Room: P700.00/day
  • Presidential Room: P800.00/day

3 and up rates

  • Deluxe Room: P500.00/day
  • Suite Room: P600.00/day
  • Presidential Room: P700/day

Ang rate nila ay per doggo pero meron silang 30% discount sa plus doggos mo per day. Kasama sa rate nila ang daily walking at play time pero kailangang mag-iwan ng furparents ng food para sa kanilang mga furbabies.

Photo came from The Paw Club Philippines

Nalaman namin na meron silang special peak season rate lalo na para sa darating na holy week.

Photo came from The Paw Club Philippines

Nagbigay sila sa amin ang ng ilang requirements kung gusto ma-avail ang hotel service nila and we quote

  1. Your furbaby must be at least 4 months.
  2. Your furbaby must be complete in vaccine.
  3. You furbaby should to be bathed/clean before coming or you may avail of our grooming services, with charge.
  4. Please bring the vaccine record of your fur baby and owner’s government valid ID.
  5. We require P1,000.00 Security Deposit per dog upon check-in, fully refundable upon check-out.
  6. If your fur baby is less than 4 months and/or has no vaccine records, we would require the fur parents to sign a waiver.

Kung interesado kayo sa service nila pwede nyong bisitahin ang kanilang Facebook Page or di naman kaya ay tumawag sa 0977-781-3866 or (02) 478-0735.

Dog House Cafe

Alam namin na ang Dog House Cafe ay wala sa metro ngunit dahil isa kaming Bulakenyo sinama namin ito sa listahan. Sila ay nag-simula nong December 2016 at pagmamay-ari ng BL Pet Shoppe kung saan 1994 palang ay nagbibigay serbisyo na para sa mga furparents na Bulakenyo. Matatagpuan sila Santa Cruz, Guiguinto, Bulacan. May mga resident doggos din sila na pwede mong makalaro kung bibisita ka at balak mong mag-relax pansamantala sa buong linggo na trabaho.

Photo came from Dog House Cafe

May tatlong room din ang Dog House Cafe kung saan may short stay rates sila na 3 hours (from P300.00 +50 per hour to P600.00 +100 per hour) at overnight stay (from P500.00 to P1000.00)

Photo came from the Dog House Cafe

  • Furbaby Suite Single (0-10kg)
  • Furbaby Suite Double (11kg-20kg)
  • Big Dawg Suite (21kg and up)

Required lang din ng Dog House Cafe na dapat dala ng furparents ang vaccination records, food and vitamins at iba pang kailangan ng furbaby nila. Sa ngayon ay wala silang available promo rates para sa peak season.

Para sa mga interesadong magpa-book or mag inquire pwede nyong bisitahin ang kanilang website or Facebook Page or tumawag sa 0926-054-1890 or (044)7940011

Doggieland Pet Hotel, Nursery and Resort

Isa na siguro ang Doggieland Pet Hotel, Nursery and Resort sa beterano pagdating sa gantong business dahil nagsimula pa ang kanilang munting Pet Nursery nong 1996. Sumunod ang kanilang Pet Hotel nong 2013 at ang huli ay ang Pet Resort nitong 2017. Matatagpuan naman sila sa Sta. Lucia Subd., Santolan, Pasig City. Hindi namin ikakaila na nasa wishlist ng Camp Demidog na mapuntahan ang Doggieland Pet Hotel, Nursery and Resort dahil sa kanilang amenities like swimming pool. Sa kasamaang palad hindi din namin afford na dumayo ng Pasig galing Bulacan.

Ang rates nila nagsisimula sa P550 up to P1,050.00 at ito ay base sa size ng dog.

  • Toy Dog
  • Small – Medium Dog
  • Large – Extra Large Dog

May binibigay silang discount sa furparents kung 1 week or longer ang pag-stay ng furbabies nila. Para makapag-stay ang mga doggos nyo sa kanila required lang din nila na dapat dala nyo ang vet card at food for your doggos. Para sa magkapagpa-book sa kanila pwede kayong tumawag sa 0917-7929291 or sa 681-3870. Pwede nyo bisitahin ang kanilang Facebook Page.

The Dog Spa and Hotel

Punta naman tayo ng Quezon City kung saan dito sa Examiner Street, West Triangle makikita ang isang branch ng The Dog Spa and Hotel at magta-tatlong taon na silang nagbibigay serbisyo bilang isang Pet Hotel.

May dalawang room sila at dito nakabase ang rates nila. Nagsisimula sa P450.00 (with electricfan) hanggang P800.00 (airconditioned) ang rates nila. Meron silang discount kung 5 days mag-stay ang inyong furbabies sa kanila, may kasama na itong free bath and blow dry.

  • Regular room (toy to small dog)
  • Suite Room (medium to large dog)

Kailangan nyo lang dalhin ang updated vaccine record at sariling food ang inyong mga furbabies.

Para mag-inquire pwede nyong bisitahin ang kanilang official Facebook Page or website or di kaya ay tumawag sa 0997-276-2462

CARA Welfare Pet Boarding

Hindi naman na iba sa inyo ang CARA Welfare Philippines dahil ilang beses na silang naging laman ng mga articles namin dahil sa Piso Challenge na ginagawa ng Camp Demidog. Recently lang nag-open ang kanilang Pet Boarding at lahat ng kinikita dito ay napupunta mismo direkta sa organization para makadagdag sa pondo na ginagamit nila para tumulong sa mga nangangailangan na doggos.

Matatagpuan ang clinic nila sa Samat Street, Mandaluyong City. Depende sa size ng dog ang rates ng pet boarding nila. From P300.00 (small dog) up to P600.00 (extra large dog). Kailangan lang mag-dala ng furparents ng food ng kanilang mga furbabies. Kung magkukulang man ang iniwang food, meron silang Optima Beef Meal na may charge na P80.00 per day. Sa ngayon wala pa silang promo sa kanilang boarding service. Required lang na dalhin ang updated vaccine record ng furbabies nyo at photo ID nyo kung gusto nyong mag-book at 50% downpayment. For reservations pwede nyong tawagan ang (02) 532-3340 or sa 0919-579-0047 or mag-email sa [email protected] / [email protected]. Pwede nyo din bisitahin ang official Facebook Page or website nila.

Better Dog Canine Behavior Center

Iba naman ang dating Better Dog Canine Behavior Center dahil sila lang naman ang kauna-unahang professional dog training facility kung saan pwedeng i-train ang mga doggos kasama ang kanilang mga furparents. Meron silang 50 slots para sa mga interesadong mag-book sa kanila at ito ay fully air conditioned all day and night. 24/7 na nakabantay ang kanilang trained stuffs para i-check ang mga boardmates dito. Matatagpuan sila sa YMC Compound, Pasong Tamo Extension, Makati City.

Para ma-confirmed ang reservations ng possible boardmates kailangan muna ma-verify ng facility ang mga sumusunod

  1. Proof of your dog’s current vaccinations from your vet. This can be emailed to BetterDog at [email protected].
  2. Signed copies of the BetterDog Hotel Rules, Signed Agreement and Guest Profile form.
  3. 50% of total bill paid.

Kung interesado kayo sa service nila maari kayong bumisita sa kanilang website or Facebook Page kung may gusto kayong i-confirm na detalye. Hindi kasi namin sila naka-usap direkta talaga kaya kahit kami ay minimal lang ang knowledge sa service nila.

Barkingham

Ang Barkingham naman ay makikita sa E. Rodriguez Sr. Avenue, Quezon City. Bukod sa pet hotel, isa din silang clinic at nag-ooffer ng grooming service.

Sa pagkaka-check namin sa p nila, may post sila don na nagsasabing tumatanggap na sila ng reservations para sa darating na holy week. Pwede nyong bisitahin ang kanilang page at mag-message kung interesado kayong mag-avail ng room nila.

DLUXE Pet Hotel and Spa

Nag-simula ang DLUXE Pet Hotel and Spa nong 2013. Matatagpuan sila sa Tomas Morato Avenue, Quezon City. Pag nagpabook ka sa kanila makakasigurado ka na updated ka sa status ng mga furbabies nyo dahil 24 hours ang kanilang pagbabantay. Daily ka makakatanggap ng updates via viber or kahit facetime.

Ang rates nila is nagsisimula sa P450.00 (puppy play pen) hanggang P1,200.00 (doggie studio). Meron din silang cat dorm na nasa P450.00 din ang rates. Kailangan nyo lang iwanan ng foods ang mga furbabies nyo at iba pang needs nito at sila na bahala sa kanila dahil pag nag book ka dito kasama na sa rates nila ang morning and afternoon walking, playtime at free bath kung 5 days mag-stay ang inyong mga furbabies.

Photo came from DLUXE Pet Hotel and Spa

Para sa mga gustong mag-inquire pwede kayong tumawag sa 0917-888-8752 or mag message sa kanilang Facebook Page

Narito pa ang ilan sa mga pwede nyong i-search na pet boarding at malay nyo magustuhan nyo ang services nila.

  • The Dog Park
  • Makati Dog and Cat Hospital
  • Pawsitive Education

Paalala: Ang article na ito ay hindi sponsored ng kahit sino sa mga pet hotel or pet boarding house.