The main reason kung bakit kami pumunta ng Pet Summit Philippines ngayong weekend sa Blue Bay Pasay City nila mommy at daddy is para dumaan at ibigay ang naipon ko sa aking ipon xhallenge na ginawa nong birthday ko, ang aking Piso Advocacy sa CARA Welfare Philippines.
Personal kong inabot ang aking donation sa mga masisipag at walang pagod na volunteer ng Cara Welfare Philippines.
Kahit sa maliit na halaga na aking naipon at nai-donate. Alam ko namang malaking tulong na iyon para sa mga furbabies na kanilang matiyagang inaaruga. Hindi kasi sapat yung nakikita ko sa mga dog groups sa Facebook na pag may dogs na irerescue, hanggang comment lang yung iba na “up up”, “please irescue nyo yung dog”, “ please i-adopt nyo yung dog” kailangan din may kasamang gawa din paminsan minsan. Kaya naman ako ay tumulong din saglit at nagtawag nang pwedeng bumisita sa booth ng CARA.
Dahil nasa venue na din naman kami gumala gala na kami sa mga booth na nandon at nagawa namin ni Fire na makipagkilala sa ibang mga doggos.
Hindi na nakapila sila daddy at mommy sa mga freebies pero nanalo naman si daddy sa raffle ng dog shampoo and conditioner dahil sa resibo ng donation sa Cara Welfare Philippines. Oh di ba ang bilis agad ng balik ng swerte.
2 thoughts on “Pet Summit Philippines 2018”