Pagkatapos namin i-blog ang experiment ni daddy Payat tungkol sa kanyang home made dog food para sa amin. Nakakuha kami ng isang sponsorship mula sa isang brand ng cooked dog food sa Metro. And ngayon palang sa umpisa ng article ay taos pusong nagpapasalamat ang buong camp sa tiwalang binigay nila para i-review ng mga demidog ang kanilang product.
Ang mga demidog ay may pihikang pang-lasa, isa lamang ito sa aming abilidad na kinaiinisan ng aming furparents. Madalas kasi kahit may pinakuluang atay ng manok or giniling na baka madalas ay hindi namin pinapansin ang hinahain nila. Kaya naman nag-search si mommy Liit kung paano magiging makulay ang aming pagkain ng kibble at isa nga sa sinubukan namin ay ang cooked food. May mga ready to serve or frozen cooked dog food ngayon na umuusbong sa merkado at isa na dito ang PettoBento.
Ano ang PettoBento?
Ang PettoBento ay isang brand ng homemade / cooked dog food.
Ang Petto (ペット) ay Japanese word para sa pet at sinama nila ang Bento (弁当) dahil ang concept nila is hindi na dapat ma-hussle ang furparents which is yun ang purpose ng bento sa mga Hapon.
Matagal ng pina-practice ng owner ng PettoBento ang gantong diet – homemade dog food para sa kanyang furbabies na minsang umabot ng thirty (30) doggos. Hanggang sa ni-share nya sa kanyang relatives at friends at naging maganda naman ang feedback. May mga nag-request na sana ay ilabas nila sa merkado ang kanilang sariling homemade dog food. Nag-research ang owner nito para mapag-aralan nya kung ano pa ang dapat nilang gawin para ma-improved ang brand nila. And nong talagang tumaas ang demand don na sila nag-decide na i-formalize ang kanilang product. Nitong March 2019, na launched ang website nila.
Paano niluluto ang PettoBento? Paano ang serving nito sa mga furbabies? Recommended ba ito ng mga veterinarian?
Ayon sa owner, gently cooked lamang ang kanilang product para ma-retain ang mga nutrients sa ingredients na kailangan ng mga doggos. Dumaan ng consultation ang PettoBento sa mga experts para makapag formulate ng recipe at ma-meet ang AAFCO standards. Kaya naman meron silang recipe for puppy at adult. At kung may special conditions naman ang doggos, kailangan ng PettoBento ang advice ng personal veterinarian ng client bago sila maka-order. Ang subscription plan sa Petto Bento ay naka-customized for each pet and calorie-counted. Meron na itong Pettto Nutri Mix for additional vitamins and minerals.
Dahil frozen food ito, kailangan lang i-thaw ng furparents ang food at ready to serve na ang food para sa mga doggos and woofers. NO NEED TO REHEAT mga ka-woofers, tipid sa gasul na patuloy tumataas ngayon.
Budget friendly naman ba?
Ang cost ng PettoBento is depende sa plan at sa details ng doggo nyo like age, weight and activity level. Meron silang 1 week, 2 weeks and 1 month plan. May discount and mas tipid sa shipping fee ang long term plans. Meron silang sampler pack na ino-offer para sa mga hindi pa ready mag-commit sa gantong diet. Nasa P375 for (3) three packs – chicken, pork and beef.
Saan pwedeng mabili ang Petto Bento?
Sa website nila pwede maka-bili ng cooked food for doggos at Metro Manila area palang ang sakop ng delivery nila for now.
Kung gusto nyong sumubok ng product nila, maari kayong makakuha ng 10% discount sa inyong unang order kung gagamitin nyo ang PROMO CODE namin na CAMPDEMIDOG.
Ilang oras kayang i-byahe ang product? At ilang days ang shelf life nito?
Frozen sya pag pina-ship and kung nakalagay ito sa insulated bag, tatagal ang food ng 2-3 hours. Pag nasa freezer naman ang food ang shelf life nito is 4-6 months. Taga Bulacan kaming mga demidog kaya naman napabili si mommy ng insulated bag sa Säntis Delicatessen nong araw na nai-deliver ni Petto Bento ang product nila.
Anong buwan pwedeng kumain ng PettoBento ang isang nasa puppy stage?
Meron silang formulation for puppy na based pa din sa AAFCO standards. As early as (2) months pwedeng ma-enjoy ang Petto Bento. Pero Petto Bento usually recommended na gumamit toppers para sa mga puppy up to (6) months.
Kamusta ang experienced sa PettoBento?
Apat na araw na simula ng subukan ng buong camp ang cooked food ng Petto Bento and guess what, tulad ng ibang client nila – na-enjoy ng mga demidog ang pagkain ng product nila. Wala naman ding nabago sa poop ng mga demidog. Same pa din na matigas, maybe dahil nasanay na kami na may halo ang aming kibble. Yung iba kasing woofer hindi agad nakakapag-adjust sa bagong diet. Wala din namang naging allergy sa skin ang mga demidog.
Isa sa napansin naming pagbabago sa amin is mas nadagdagan ang energy namin lalo na ang mga nasa House of Pomeranian. Mas leafy din ang food ng PettoBento compare sa ginawa ni daddy.
At first hindi agad pinansin ng dalawa sa pinaka-maselan sa camp ang food, si Fire at si Cloud. Well, chicken kasi ang unang hinain nila mommy. Hindi kasi mahilig sa chicken ang dalawang to. Pero kalaunan naman, after malasahan at nanamnam – naubos din naman nila ang food. Next na nasubukan is ang beef. Naubos agad ni Snow at Blaze ang hinain nong gabihan. Pagdating kay Fire, nilalasahan pa bago maubos – wala ng bago dito. At huling natikman is ang pork.
Sa binigay na sponsor ng PettoBento, may kasama din itong Pettosnack na Chicken Jerky. As per owner released na ang snacks na ito pero wala pa sa website nila. Nong sinubukan ng camp ang snacks, nagustuhan naman nilang lahat maliban kay Cloud na hindi mahilig sa manok.
Kahit na madami ang nagsusulputang brand ng kibble dog food, cooked food or raw food ang mahalaga pa din sa aming mga doggos ay ang effort nyo na ibigay kung ano ang sa tingin nyo ay magiging healthy para sa amin. Kahit na ubod kami ng arte sa pagkain.
Para sa mga interesado sa PettoBento, maari kayong bumisita sa kanilang official Facebook Page or website para sa mga karagdagang detalye ng kanilang product.
Ang product ay sponsored ng nasabing brand subalit ang blog na ito ay galing sa sariling opinion ng mga demidog at furparents at walang kinalaman ang PettoBento.
This is the very first time I’ve ever heard of this. And I actually think this is practical and very useful nowadays
Yes po, madami din ang nag-sasabi na kung gusto mong humaba ang buhay ng furbabies mo -bigyan mo sila ng hooman food pero i-prepare ito ng tama.
Wow these dogs are so lucky! God bless you for being kind to them.. I’m also a dog lover pero nung nagka baby ako, nawala na attention ko sa mga dogs..
Nakita ko yung video about this on Facebook. I told my mom about this, yung aso namin sobrang picky sa pagkain. Hahaha.
Interesting post! I have 2 dogs and they’re really picky on food hehe
Wow very innovative product and much needed in the market right now. Our doggies deserve better food like this!!
Maganda ang packaging a. The product itself looks high quality.
You really know how to make your dogs happy! Try ko nga din yan for our dogs!
aawww your doggos are so adorable! Glad they love their new petto bento!
Pettobento, this is the first time I heard about this product and kind of dog food! The packaging is good and I can see on the pic that your dog really loves it!
OMG I didn’t know this concept exists na. I should try this for our dogsss. Thanks for sharing!!!