Nahihirapan na ba kayo mga hooman sa kakaisip kung ano ang pwede nyong ipakain sa inyong mga demidog? Hindi na ba nila pinapansin ang kanilang mamahalin at branded na kibble? Bakit hindi kayo sumubok mag-bigay ng canned dog food sa inyong mga demidog at tingnan natin ang kanilang magiging reaction.
Last September 2019, nakilala ng Camp Demidog ang isang brand ng canned dog food na gawa ng Pet Plus Global, ang Canine Cravings. Ang Canine Cravings ay bagong pâté-style canned dog food na available sa market kung saan may apat na flavour na pwedeng pag-pilian.
- Chicken
- Chicken with Beef Liver *recommended
- Chicken with Lamb
- Chicken with Vegetable *recommended
Para matulungan kayong mga hooman makapag-decide kung susubukan nyo ba ang Canine Cravings, nag-lista kami ng ilang mga pros and cons ng canned dog food para sa mga demidog.
Pros
- Mas palatable at appetizing para sa mga demidog. General ingredients talaga nito ay karne kaya walang tapon kumpara sa kibble dahilan upang maging mas expensive ang canned dog food diet.
- Madaling kainin at tunawin ang canned dog food. Karamihan sa canned dog food ay pâté-style. Hindi mahihirapan ang mga demidog sa pag-nguya at mas madaling ma-digest. Mainam din ang mga canned dog food para sa mga demidog na may upset stomach.
- Mahaba ang shelf life depende sa brand. Isa advantage ng canned food, mapa-demidog or pang hooman, ay pwede mo itong mai-stack ng matagal. (Kailangan laging tingnan ang expiration date para sigurado.)
Cons
- Mas mapapamahal nga lang ang gastos ng hooman. Mag-aadjust nga lang hooman sa budget pag nag-seryoso sya ng canned dog food diet. Ang isang canned dog food ay nagkaka-halaga ng sabihin na lang natin P100.00 tapos isang canned dog food per meal – so that’s P300.00 per day. Pero sa Canine Cravings, kahit maliit na servings lang sa isang meal okay na dahil malasa naman talaga ito.
- Kapag nabuksan kailangan maubos within 2 days. Alam naman nating lahat na pagdating sa canned food, mapang-hooman or demidog once na nabuksan hindi na ito dapat pinag-tatagal. Pero mabuti na lang at naimbento ang refrigerator kaya naman ang 2 days na duration ng dog food, pwedeng ma-adjust ng 4-6 days. (Recommended din na ilapit na ng lalagyan ang dog food pagkatapos buksan ang lata.)
- Ang mga asong solid canned dog food ang diet mas kailangan ng dental cleaning. Since wet and soft food ang canned dog food, hindi sya katulad ng kibble na malaking tulong sa paglilinis ng ngipin nito in natural process. But kahit ano pa ang kinakain ng isang demidog kailangan pa din naman talaga nito ng dental cleaning kaya naman pwede nyong i-partner ang Canine Craving sa Train and Reward Dental Treats.
- Pwedeng maging cause ng malambot na poop. Para sa aming mga demidog isa sa napapansin namin kapag hindi kibble or mas madaming wet food ang nakakain namin, may times kami na malambot ang poop namin.
Natikman ng buong camp ang lahat ng flavour at ang pinaka-paborito namin dito ay ang Chicken with Vegetable at Chicken with Beef Liver. Mahilig ang mga demidog sa carrots kaya nakakatuwa na ang Canine Cravings Chicken with Vegetable ay may halo mismo na gulay. Kitan-kita namin ang carrots sa pate. Ang Chicken with Beef Liver flavor naman ay nakakatakam ang amoy. May feeding guide ang Canine Cravings pero para sa mga demidog sa camp pwede itong hindi sundin dahil malasa talaga ito kaya kahit maliit na servings lang ang ilagay sa kibble okay na okay na.
Pwede din syang gawing palaman sa tinapay tulad ng ginawa namin sa Chicken with Beef Liver para kasi syang Reno Liver Spread kung saan paborito ito ng mga taga Dorm of Aspin na sila Muffin the Barking Queen at Cookie the Grumpy Aspin.
Sa ngayon, ang alam namin place kung saan pwedeng makabili ng Canine Cravings ay sa Shopee at ang price range nito ay nasa P75.00 – P100.00. Maaari nyo din itong makita sa mga selected partner stores nationwide. Kaya i-check nyo ang inyong paboritong local store, baka meron na silang Canine Cravings para ma-satisfied ang inyong mga demidog.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa nasabing brand, maari kayong mag-message sa kanilang official Facebook Page or sa Facebook Page ng Pet Plus Global.
Ang product na ginamit sa blog post na ito ay sponsored ng nasabing brand pero lahat ng mga naka-sulat ay mula sa mga demidog base sa kanilang na-experience sa product.
One thought on “Canine Cravings Canned Dog Food by Pet Plus”