Resto for Furbabies – The Paw Club Philippines

Lagalag ba kayo katulad namin ni #FireTheDogBlogger pero nahihirapan naman ang mga furparents nyo na mag-hanap ng cafe or resto na pet friendly kung saan pwede sana kayo makapag-pahinga? Sila mommy at daddy may nakitang pet friendly cafe sa Metro dahil sa kaibigan ni daddy sa Facebook – ang The Paw Club Philippines.

Nag-bukas ang The Paw Club Philippines sa SM by the Bay MOA, Pasay City nong July 28, 2018. Isa syang cafe na merong grooming services and hotel for furbabies na tulad namin ni Fire. Simula ng malaman nila mommy at daddy ang tungkol sa The Paw Club, ni-set na agad nila ang schedule ng pag-punta namin dito and guess what gusto ni mommy na once a month bumisita kami dito.

 

20180826_201200_00012169139613839976304.png20180826_200921_00013404461170593381974.png20180826_200854_00019018867193743524780.png20180826_200828_00016856920708846236456.png

Gaano ka-pet friendly ang The Paw Club?

Pet friendly sya to the fact na pwedeng mag-roam ang mga furbabies na tulad namin ni Fire sa loob at makipag-laro sa ibang doggos, fluffers, puppers at barkers. But as much as possible dapat friendly din ang mga furbabies nyo. Mahirap na kasi kung may mag-taray o mag-supladong furbaby sa loob, baka magkaroon ng furbabies fight bigla. May mga binibigay din silang free water at may area kung saan pwedeng umiihi ang mga furbabies. Pero maging responsableng furparents pa din kayo. Sana naka-diaper din ang ilan lalo na kung alam nyong mga furparents na kung saan saan umiihi ang furbabie nyo. Ayaw nyo din naman siguro na habang kumakain kayo ay may biglang iihi sa gilid nyo. May available din silang plastic para sa mga tinawag ng kalikasan dahil na-excite sa dami ng pwedeng maging new friends.

 

20180826_200957_00014205244456299148640.png20180826_201053_00018670720544826113413.png20180826_201015_00015703962646432823047.png20180826_201117_00015512064202010886381.png20180826_201105_0001380312086909106793.png20180826_201133_0001534809161742410096.png

Kamusta naman ang experience sa The Paw Club?

Para sakin na nag-enjoy sa loob dahil may mga bagong puwet akong naamoy, kayang kaya kong i-recommend ang The Paw Club sa ibang mga furbabies na ayain na din ang kanilang mga furparents na bumisita dito once in a while kung nasa area naman sila. Affordable ang presyo ng food at ng grooming services nila. Sa halagang P800.00+ na bill nila mommy at daddy may pasta at chicken na sila, may kasama pang drinks plus snacks at cupcake namin ni Fire.

 

20180826_204830_00012692310900474370120.png20180826_204922_00012814042701412589330.png20180826_201540_00018039571421881323087.png20180826_201517_00014401832520590328232.png

Yung rate nila sa groom is 500 for small breed kasama na lahat – ligo plus gupit ng kuko, plus linis tenga at ngipin. May libre pang 1 hour na stay sa kanilang mini hotel. May mga binebent din silang mga pet supplies and foods.

 

20180826_204949_0001379019189229969119.png20180826_201625_00015325180290847863475.png20180826_201604_00019110440681540986211.png

Mukha din namang walang limit kung gaano katagal kayo pwede mag-stay sa cafe. So stay all you can ang kanilang peg pero syempre nakakahiya naman yung tumambay ka lang tapos di umorder? Wag ganun mga furparents. Nakapa-friendly pa naman ng mga staff nila dito. Ito na siguro ang magiging trending ngayon na mga pet cafe. Yung mga pet cafe kasi nong una is mga resident doggos ang mga makakasama mo. Dito dala mo ang furbabies mo para makipag-socialize sa ibang human and doggos.

 

20180826_201432_00012288112717424519806.png20180826_201354_00014734584207484619287.png

Ano pa ang kulang sa The Paw Club?

Hindi naman siguro kulang sa service pero siguro sa man power lalo na sa grooming at hotel area. Wala pa silang receptionist at kulang pa sila ng groomer. Kawawa tuloy yung nag-iisang groomer. Sya na din ang kumakausap pag may new customer. After nya ma-groom ang isang doggo, pupunta pa sya sa cafe area para ibigay ang doggo at kunin ang kasunod. Pero for sure naman ginagawan na ito ng management ng paraan. Baka may kakilala ka din na mahilig sa pets tapos naghahanap ng trabaho. Baka pwede nya subukan dito.

Kaya naman ano pa ang hinihintay nyo dyan mga kapwa namin furbabies? Sugod na sa bagong tambayan natin. Ayain na sila mommy at daddy at mag family bonding na sa The Paw Club tuwing weekend.

Para sa ibang detalye pwede nyo bisitahin ang kanilang official Facebook Page.

Trivia: Alam nyo ba na ang The Coffee Bean ay pet friendly din? Nong pumunta kami ng BGC ni Fire para sa photoshoot for a cause ng CARA Welfare Philippines ay sa The Coffee Bean kami tumambay hanggang mag-simula at matapos ang shoot namin. Unless yung branch lang na yun ng The Coffee Bean ang pet friendly at allow ang doggo sa loob ng cafe.

Ito pong blog na ito ay hindi binayaran ng The Paw Club.