Demidog Pawliday Party – A Bulacan Dog Event

Ang Demidog Pawliday Party ang isa sa kauna-unahang Christmas dog event na nagawa sa Baliwag City kung hindi kami nagkakamali. Nag-sama sama ang mga hoomans at demidog ng San Rafael, San Ildefonso, Baliwag, Bustos, Pulilan, Plaridel at ilang karatig bayan ng Bulacan para sa isang masayang Christmas party. Halos 40 demidogs ang nakisaya, nakigulo at nakipag-wagwagan ng mga buntot at tumahol sa Lola Sisa Grill and Kambingan noong December 17, 2023. Sa ilang event na na nagawa ng camp ngayong 2023 merong Demidog Day Out, merong nakipag collab / partner kami sa SM Malls like SM City Baliwag and SM Center Pulilan. Itong Demidog Pawliday Party ang masasabi naming napaka-laking achievement ng Camp Demidog.

Nag-enjoy ang mga demidogs ng tatlong oras na kasiyahan kung saan nagkaroon ng pet talk, games, free photoshoot and raffles, exchange gift at syempre na-enjoy din ng mga hoomans at demidog ang mga booth ng ilan sa mga sponsors at partners kung saan nag-offer sila ng discounted price ng kanilang products.

Isa sa mga booth na nag-offer ng kanilang products sa event ay si Inovida Agrivet. Si Inovida Agrivet ay nag-offer ng pet essentials products like all purpose cleaner and disinfect spray. Mababasa ang aming bukod na review sa kanilang products dito.

Kasama din namin sa event ang booth nila JuanChews at Wear, Boei. Dehydrated treats at bandana naman ang ino-offer nila para sa mga demidogs. Ang kagandahan sa kanila, sila at taga Baliwag lang din kaya para sa mga gustong sumubok sa kanilang mga products maaari nyo silang imessage. Maari nyo din basahin ang aming bukod na review para sa kanila dito.

Isa pang taga Baliwag na nagpakita ng kanyang mga products ay si Baliwag Pet Shop. Si Baliwag Pet Shop ay ilang beses na naming nakasama at nag sponsors sa mga event na ginawa ng camp. Makikita mo sa shop nila ang mga products na usually hindi mo makikita sa mga local pet shop pero for sure kaming magugustuhan ng mga demidogs nyo. Maari nyong makita ang mga must have products ng Baliwag Pet Shop dito.

All the way from Marilao Bulacan naman ang isa pang booth na nakisaya sa event, si Chubby Puppy Goat’s Milk Main. Ino-offer naman ni Chubby Puppy ang kanyang original goat’s milk at ilang pet essentials tulad ng shampoo. Basahin ang bukod naming article para sa product review namin sa products nila.

Hindi magiging successful ang nasabing event kundi dahil sa tulong ng mga sponsors:

  1. Royal Tail Essentials
  2. JuanChews
  3. Baliwag Pet Shop
  4. Paleo Pet
  5. Pet Plus Global
  6. Bestbud PH
  7. Inovida Agrivet
  8. Chubby Puppy Goat’s Milk Main
  9. Holistic+ Premium Treats
  10. Pet’s Choice by KL
  11. Wagginโ€™ Bites PH
  12. Mori & Molly – MOMO
  13. PetFort Veterinary Clinic
  14. Paws and Hooman
  15. Wear, Boei

Ang success ng Demidog Pawliday Party last 2023 ay simula para sa Camp Demidog para lalo pa naming palakihin ang dog community dito sa Bulacan para mas lalo dumami at maging aware na hindi lamang sa Metro Manila merong dog event kundi meron na din tayo dito sa Baliwag City.