Dog and Cat Expo 2018

Gumala kami ni Fire nitong weekend kasama si Daddy Payat at Mommy Liit sa SMX Convention Pasay para sa isang pet expo event. Last year ako lang ang nakapunta sa expo dahil hindi pa dumadating sa amin si Fire pero tulad ng last year kantulog pa din ako sa byahe. Kung nong last year din solo ko ang peg ng pagiging feelingerong ambassador ng Pedigree Philippines, ngayon dalawa na kami ni Fire sa trono.

Madami din kaming puwet na naamoy ni Fire sa event kaya naman tuwang tuwa kaming dalawa.



At mas lalo kaming natuwa dahil madaming kaming makuhang freebies sa mga booth at pati na din sa pinamili nila mommy at daddy. Narito ang ilan sa listahan ng mga nakuha naming freebies during the pet expo.



Bukod sa pamimili nila mommy at daddy dinaanan ulit namin ang CARA Welfare Philippines para ibigay ang Piso Advocacy ni daddy nong birthday nya plus nagbigay din si mommy ng karagdagang halaga. Sayang nga lang at mahirap i-byahe ang mga luma naming gamit para mai-donate na din sana sa mga nangangailangan na furbabies.
Laking Royal Canin mini indoor kami ni Fire pero minsan kasi parang nag-sasawa kami sa lasa kaya nong minsan napabili sila daddy ng Vitality na sabi din ng iba is maganda para sa mga fluffer na katulad namin pero mabilis din kaming nagsawa kaya naman bumili sila mommy ng Nature’s Protection na halos naka 50% off during the expo. Panoorin nyo ang last part ng video blog episode namin para magkaroon kayo ng idea kung ano ang meron sa bagong dog brand na binili namin.


So far, inihahalo pa nila daddy ang Royal Canin sa Nature’s Protection para masanay kami sa bagong dog food.


Nakabili din kami ng paborito naming Pedigree Dentastix dito na naka P10.00 OFF. Malaking tulong na din ang makaawas ka ng P10.00 sa panahon ngayon. May libre ding check up ng ngipin at free wet food ang booth nila this year.

Sa Fur Magic naman, nakabili kami ng tatlong shampoo sa halagang P360.00 at may libre pang Fur Magic Potion kaya naman hindi na kami amoy mapanghingi pag katabi na namin sa pagtulog si daddy.


Nakabili din sila mommy and daddy ng damit para sa amin ni Fire.
Buy 1 Take 1 naman ang ino-offer ng Sleeky sa kanilang stick snacks.
Kung tutuusin ang laki ng natipid nila daddy dahil kung walang pet expo ang kanilang P1,853.75 na nagastos is for sure aabutin ng halos P3,000.00 din.

Ano nga ba ang Dog and Cat Expo?



Ang pet expo na ito ay taunang ginagawa ng Pet Express para magbigay daan sa kanilang mga suking furparents na mag-hoarding / mag-shopping ng mga discounted items ng kanilang mga supplier.

Tuwing kelan at saan ginanagap ang Pet Express Dog and Cat Expo?



Sa tatlong taon na nagpunta sila daddy at mommy, tuwing July ginaganap ang expo sa SMX Convention Center Pasay.

Ano ang kulang sa Expo na gusto mong makita next year?

Syempre bukod sa mas madaming freebies at discounts baka pwedeng magkaroon ng area para sa mga furbabies na gustong umihi at mag-poop (see log version.1 at the bottom). Hindi naman kasi natin maiiwasan na may mga furparents na wala sa ayos. Hahayaan na lang yung wiwi or poop ng doggo nila. Isa pa sana is sana magkaroon ng chance na mai-focus naman ang mga cats sa event dahil sa totoo lang mas dominado ng mga dogs ang venue.

Kindly watch our short video about the event. Watch till the end to learn more about Nature’s Protection.

Please take note that Nature’s Protection did not pay the “ad” in the video. Snow and Fire wants to share the new brand of dog food that we buy during the expo.
https://youtu.be/pVzeoYSpV-k

Side trip

Nong pauwe na kami, nasakay pa kami sa modern jeepney na sinusulong ng gobyerno ngayon para sa mga lumulubong bilang ng pasahero sa Metro Manila. Kung tutuusin, maganda lahat ng sinasabi ni kuyang parang kundoktor habang nasa byahe kami. Kung tama ang pagkakaalala ni daddy, ang rate ng isang driver ay P1,000.00 at sagot ng ng kumpanya or gobyerno ang SSS, Philhealth, Pagibig nito. Ang ruta na sinabi palang na available is mula Lawton hanggang MOA at sa gawing Quezon City naman ang isa. Para syang hybrid bus, mukhang komportable naman ang mga magiging pasahero dahil naka aircon ito at malakinang espasyo. Nasa P15-P20 daw ang pinag uusapang minimum na pamasahe dito. Bakit hindi natin bigyan ng chance ang pakulo ng gobyerno para sa mga commuter malay natin mag benefits in both side.
Edit log version.1 (July 21, 2018): Sabi ng isang furmommy na nagpunta din sa expo, may area daw para makapag wiwi and makapag poop ang mga furbabies, sa may gilid ng stage.