Dumayo kami nila daddy at #FireTheDogBlogger ng Tangos sa event ng TopBreed Dog Meal – ang kanilang #DogDayTheTopBreedWay.
Ang event ay parang isang maliit na seminar para sa mga furparents. Meron itong educational talk na related syempre sa product nila at para sa ikakabuti ng mga kapwa namin furbabies. Bukod sa pwede kang bumili ng kanilang product sa event mismo which is sa tingin ko is mas mura kumpara sa nasa market meron din silang libreng anti-rabbies at deworming which is isa sa nagustuhan ko kahit hindi naman kami sumalang dahil tapos na kami ni Fire.
Kahit na-delay ang start ng event at nag-tagal ito ng halos tatlong (3) oras at tinamaan na kami ng antok ni Fire sulit naman dahil nagkaroon kami ng kaunting kaalaman galing mismo sa mga speaker nila. Narito ang ilang highlights ng talk during the event na nailista ni daddy kasama ang talk ng kanilang brand ambassador na si Doc Nielsen Donato.
Ano ba ang TopBreed Dog Meal?
Ang TopBreed Dog Meal ay parte ng URC or Universal Robina Company. Ito ay nag-start sa market nong taong 2014.
Paano nabuo ang product?
Nabuo ang product dahil sa kagustuhan ng URC na mag-bigay ng complete package nutrients para sa mga furbabies. Tatlong (3) taon itong ni-develop sa farm ni Doc Nielsen Donato bago makuha ang tamang formula.
Ano ba ang mga formula na nasa TopBreed Dog Meal?
Ginawang guideline ng TopBreed Dog Meal ang recommendation pagdating sa components na kailangan ng isang dog food para sa isang furbaby. Ito ay ang 28% pag-dating sa Protein at 17% naman sa Fat kung puppy palang at kung sa adult naman, 18% Protein at 9-15% Fat. Para mas lalong maging complete package ang TopBreed sinamahan pa nila ito ng mga sumusunod na micronutrients na mahalaga at talaga namang kailangang kailangan naming mga furbabies. Omega 3 and 6 na mabuti para sa heart, skin and coat; Calcium para sa matibay na bones at ngipin; Vitamin E and Selenium para naman mas lalong lumakas ang immune system; DHA (puppy meal) for normal brain development at Energy / Protein Ratio (adult meal) para naman sa ideal body weight ng isang furbaby.
Ilang klase meron ang TopBreed Dog Meal?
Meron silang Adult at Puppy Meal. For now ang available nilang packaging sa market ay 20kl. In process or for production pa daw ang packaging nila for 2kl and 5kl as per speaker kung tama ang pagkakaalala ng daddy.
Kamusta naman ang presyo sa merkado?
Budget friendly pero maganda angquality dahil locally manufactured lang din naman ang product. Kaya ang cost is hindi ganun kalaki.
Ilan pa sa mga nalista ni daddy sa pakikinig sa talk ay ang Freedom of Animal. Sabi ng isang speaker don, ang mga hayop may mga karapatan din lalo na ang mga tulad naming mga aso. At kung ito ay babaliwalain may karampatang parusa para sa mga irresponsible furparents.
Freedom from hunger and thirst.
- Kung tutuusin, basic needs ito na dapat ibigay ng furparents sa aming mga furbabies. Hindi na to dapat isubo pa sa mga pet owners.
Freedom from discomfort.
- Kung mag-aalaga ka na lang din naman ng pets, bigyan mo naman kami ng maayos na pwesto like space na magagalawan namin ng hindi kami makakaabala sa inyo. Kung ikaw ba na patulugin sa lupa, magiging komportable ka ba? Kung ikaw patulugin sa labas pag umuulan, magiging komportable ka ba? Ilagay nyo din minsan ang sarili nyo sa sitwasyon namin minsan.
Freedom from pain, injuries and disease.
- In the firsf place kung nabigyan nyo kami ng space na komportable kami, maiiwasan natin ang mga bagay na tulad ng allergies, skin problem or kahit anong sakit na kung mapapabayaan ay baka maging sanhi pa ng aming pagkamatay. May buhay din kami na nangangailangan pa din ng pag aaruga at pagmamahal. Hindi yubg thinking nyo aso lang naman yan. Bad po yun.
Freedom to express normal behaviour.
- Bigyan nyo din kami ng time para mag-enjoy. Huwag nyo kaming laging ikulong sa aming mga crate dahil may masamang epekto sa amin ang palaging nakakulong sa crate. Nagiging bugnutin kami at baka makalimutan na namin na aso pala kami na kailangan namin ng daily exercise, at social life sa ibang aso.
Freedom from fear and stress
- Kung nabibigyan natin sila ng komportable buhay maiiwasan natin ang pang-limang kalayaan ng mga pets. May mga bagay kasi na okay sa ating mga tao pero pagdating na sa kanila nag-dudulot ito ng stress at takot para maging sanhi ito ng pagbabago ng kanilang ugali. Pwede itong maging sanhi ng pagka-agresibo ng isang alaga.
Sabi nga ng speaker, ang kanilang resident veterinarian and I quote.
Ang pag-aalaga ng pets ay isang lifetime responsibilities. Hindi ito natatapos nong ampunin mo sya dahil ang cute nya nong tuta palang sya.
Ilang FACTS na nakuha namin tungkol sa TopBreed Dog Meal
- Ang Bulacan (Baliuag) daw ang may pinakamalaking community ng TopBreed user.
- Pag sobra ang protein na kinakain ng aso pwede itong magdulot ng mabahong amoy ng tae. Pag sobra naman sa fat, pwede itong maging sanhi ng obesity naming mga furbabies. Kaya naman ang TopBreed ay may formula na nagbabalanse ng dalawang pangunahing components para maiwasan ang sobrang protein at fat sa aming katawan.
- Unang na-launch ang brand sa Baguio.
- Madalas na nagiging sanhi ng skin problem naming mga furbabies ay mula sa kung ano ang binibigay nyo sa aming diet.
Ang nagustuhan namin sa event na to bukod sa may palaro sila at pa-raffle kung saan nanalo kami ng isang 20kl na Adult Meal ay hindi nila pinupush na ma-ibenta ang kanilang produkto sa mga furparents. Hindi sila naging bias sa ibang brand dahil may time na nirecommend pa din nila ang ibang brand kung may special needs ang isang furbabies. Para sakin hindi nila binuhat ang sarili nilang bangko umangat lang sa ibang brand.
Syempre ang pinaka-highlight ng event ay yung pagtitig ni Fire kay Doc Nielsen Donato nong nagpa-picture kami. Parang na love at first sight ata tong bunso namin. Ang yummy ba naman ni Doc eh.
Pag may dog event tuwang tuwa kami ni Fire dahil madami na naman kaming naamoy na pwet.
Pwede nyo panoorin ang maikling video namin Fire during the event.
Paalala lang: Ang article na ito ay hindi bayad at walang kinalaman ang TopBreed Dog Meal sa kung ano ang nakasulat. Ito ay mula sa recording ni daddy na inilapat para maging article at mai-share sa ibang mga Pinoy furparents.