Hirap na naman ba kayo mag-isip kung saan mag-babakasyon na kasama ang mga demidog nyo? May nakita kami ni Autumn na legit ang pagiging pet friendly Bulacan resort at safe na safe kaming mga demidog. Dumayo kami from San Rafael, Bulacan to Bustos, Bulacan para mag stay ng overnight dito sa My Cabin By Selah.
Ang My Cabin By Selah ang pangalawang resort na napuntahan naming mga demidog na pet friendly Bulacan resort. Una na dito ang San Rafael River Adventure na ilang beses ng napuntahan nila mommy Litt at daddy Payat. Unlike sa San Rafael River Adventure na open ang pool para sa lahat sa My Cabin By Selah ay pedeng mag-enjoy ang hooman at tayong mga demidog dahil pede tayong mag-swimming sa pool. Safe din pakawalan ang mga demidog dahil may kanya kanya kayong area pero kailangan pa din ng atensyon sa mga demidog nyo dahil ung isang side ng area is naka-open at puro mga malalaking halaman lamang ang harang.
Sa My Cabin By Selah ay merong tatlong (3) klase ng cabin na pede mong pag-pilian ayon sa dami ng tao na kasama mo. Ang Small Cabin nila para sa 4 pax hanggang 5 pax, ang Medium Cabin na para naman sa 8 pax hanggang 10 pax at ang Big Cabin na kasya ang 12 pax hanggang 15 pax. Kinuha nila daddy Payat ang Small Cabin + sa halagang P7,300.00 (weekend price). Bakit may plus (+)? Dahil sa feature nito na may kasamang bath tub.
Pede din kayong mag-dagdag ng additional na Kawa + Bon Fire Package for P1,000.00 kung balak nyong mag-babad kahit gabi na. Yes, pede kang magbabad ng hangg’t gusto mo dito sa My Cabin By Selah dahil sarili nyo yung space unlike sa mga regular resort na may oras ang pool pag gabi.
Ang check in time dito is 4:00 PM at ang check out naman is 1:00 PM. Sa ngayon halos fully booked lagi ang My Cabin By Selah kaya naman kung balak nyo din bumisita at mag-stay dito kailangan nyong mag-check ng slot isang buwan bago ang plano nyong date. Sa experience kasi nila mommy Liit, April palang balak na nila kaming dalhin dito para mag-stay for summer vacation kaso June na kami nakakuha ng slot. Pede kayong mag-book sa website, kailangan sa booking is fully paid para makuha mo yung slot mo. Meron din silang security deposit na 4,000.00 na refundable kung walang makikitang sira or damage sa cabin na ginamit nyo. Kaya kung may kasama kayong demidog, make sure na bantayan pa rin sila kahit anong mangyare lalo na kung nasa loob kayo ng cabin.
Isa sa kagandahan din sa My Cabin By Selah is may mga naka-prepare na cookware at ilang appliances like refrigerator, microwave, electric kettle, electric stove per cabin at mga plates and utensils kung saan pede kayong mag-luto ng gusto nyo. Meron naman din silang naka-ready na menu kung tatamarin mag-luto ang mga hooman pero feeling namin ito ay mula pa sa mga partner nila. Pero ang isa sa dapat nyong i-prepare pag nagpunta kayo dito is sarili nyong personal things like tuwalya, toothbrush and toothpaste, shampoo and soap and slippers.
Overall, para sa amin ni Autumn na naka-experienced ng My Cabin By Selah ay marerecommend namin talaga ito para sa mga furparents na nag-hahanap ng lugar na gustong mag-relax muna mula sa magulong buhay ng isang empleyado kasama ang kanilang mga demidog. Bihira ang ganitong mga place na allowed ang mga tulad namin na pedeng mag-enjoy sa pool kasama ang mga hooman kaya legit talaga na pet friendly Bulacan resort.
Sana soon is pedeng mag-dala talaga ng mas maraming demidog dito sa My Cabin By Selah para yung tatlong house sa camp is maka-punta at ma-experience din ng ibang demidog ang enjoy na experienced ni Autumn na hindi naman halatang sinulit ang kanyang unang gala sa labas ng House of Pomeranian. Nong tinanong kasi nila mommy Liit kung possible ba na makapasok ang (17) labing pitong demidog kung Big Cabin ang kukunin, hindi kami napayagan dahil na din daw for privacy ng ibang client.
Paikot palang ung space sa loob dito. May bike na pedeng gamitin kung tamad ka mag-lakad. Meron din silang fresh na gulay na binebenta like lettuce. Hindi pa fully develop din My Cabin By Selah dahil may ilang area na ginagawa palang like ung parang restaurant area nila sa likod ng receiption area. Pero kung gusto nyo ng magandang lugar para sa photoshoot nyo pedeng pede dito sa My Cabin By Selah.
Pano pumunta sa My Cabin By Selah?
Kung taga Metro Manila kayo at commute ang way nyo. Maypunta Baliwag Transit Terminal sa Cubao or sa Grace Park. Sumakay ng byaheng Baliwag. Pagdating sa Bayan ng Baliwag, maglakad papunta sa simbahan ng Baliwag. From there may makikita kayong gasolinan at nandon ang terminal ng mga tricycle papunta sa My Cabin By Selah.
Note: Ang article na ito ay hindi sponsored ng My Cabin By Selah. Ang lahat ng naka-sulat dito ay base sa experience naming mga demidog.
Yung cabin na nakuha namin, parang di naman na nililinis. Puro agiw at alikabok na ung TV. Maganda sa labas, pero pagdating sa loob hindi na.
Hello po, paano po makapunta Dyan kung commute? Any idea po kung a galing calumpit to cabin by selah or San Fernando Pampanga to cabin by selah? And how much po yung transportation fee and time na itatake to get there?
Hi, kung galing po ng Calumpit. Pede po kayong sumakay ng jeep pa Pulilan, then from there po sakay po kayo ulit ng jeep papuntang Baliwag Bayan. Pagdating po sa Baliuag, tricycle po papuntang Bustos. Hindi lang po namin sure kung ala ng mga driver ng Bustos TODA ang Cabin by Selah. Kung from San Fernando, SM City Pampanga po may UV Express papuntang Baliwag Bayan, then tricycle po ulit papuntang Bustos.