Sa panahon ngayon na puro smart phone ang hawak ng halos Pilipino at maghapon nakatambay sa Social Media tulad ng Facebook. Naisip ni daddy na bakit hindi nya gawing kasangkapan ang pag-i-scroll up and down, shares and likes ng mga ito para sa kanyang advocacy tuwing birthday nya na nag-simula ngayong 2018 kung saan taon ng mga aso sa kalendaryo ng mga intsik.
At dahil idol ko si daddy, gusto ko ding gawin ang ginawa nya para makatulong sa mga kapwa ko furbabies na nangangailangan ng tulong at pagkalinga dahil hindi lahat ng furbabies ay nakakahanap ng forever furparents katulad namin ni Fire.
Ngayong first birthday ko – March 7, 2018 gusto kong tulungan nyo din sana akong makapag-hatid ng tulong sa ibang furbabies ng CARA Welfare Philippines. Huwag po kayong mag-alala dahil hindi nyo kailangan mag-labas ng pera para makatulong dahil sa simpleng LIKE at SHARE maari na tayong makapagbigay ng donation para sa kanilang pang-araw araw na pangangailangan dahil sagot na ni daddy yan. 30% ng total na maiipon sa challenge ay ibabahagi sa napiling beneficiary ngayong taon. Kung paano maari nyo pong bisitahin ang aming official Facebook Page, Camp Demidog or i-click lamang po ang link na to – Facebook Post.
Sa ngayon meron P1.330.00 si daddy sa challenge nya. Sana mas mataas ang maipon ko sa kesa sa challenge ni daddy para madami tayong matulungang furbabies.
At simula ngayon, ito na din ang advocacy ng Camp Demidog. Tuwing may birthday sa amin gagawa kami ng ipon challenge para sa mapipiling beneficiary.
Ang CARA ay isang, non-profit at non-government organization na hindi nakakatanggap ng pondo mula sa gobyerno. Para sa karagdagang detalye tungkol sa CARA, pwede nyong bisitahin ang kanilang official website at malaman kung paano kayo pwedeng tumulong.
Ang challenge na to ay mula sa idea ng Pare Pera