The Purple Groom Experience

Hindi pa kami napa-groom nila mommy at daddy simula ng maging furparents namin sila ni Fire

Kaya naman nong nagkaroon ng pa-contest ang Royal Canin Philippines sinali nila kami sa Search for the Fluffiest Dog Coat event.

And sa dami dami ng mga furbabies na sumali, napasama kami sa 10 lucky winners na nabigyan ng free grooming service ng The Purple Groom sa kahit anong branches nila sa Metro Manila. Narito ang video entry naming dalawa para sa event.

And nong November 30, 2017 – dinala kami sa Xavierville Katipunan Branch nila mommy at daddy para ma-redeem ang free service na groom sa The Purple Groom. Narito ang aming video habang nakasalang kami ni Fire.

At dahil first time namin sa grooming service meron kaming tips ni Fire para sa mga new pet furparents or balak maging pet furparents sa future.

Una, sabi nila kuyang groomer, as early as 3 months kailangan maisalang na ang mga furbabies sa basic grooming para masanay na ito sa ingay ng lugar (kung maraming furbabies sa shop), sa malakas na blower, sa mga gunting na lumalapat sa kanilang mga balahibo, at syempre sa mga groomer. Kaya naman nagpapasalamat kaming dalawa ni Fire sa dalawang nag-handle samin sa pasensya na binigay samin dahil nahirapan talaga sila sa amin.

Pangalawa, maging habit ang pagsusuklay sa mga furbabies nyo lalo na sa may mga makakapal na coat dahil magiging malaking tulong ito pag nagpa-groom na kayo dahil walang buhol buhol na balahibo ang mga furbabies nyo kaya naman hindi na mahihirapan ang mga groomer.

Pangatlo, huwag kalimutan bigyan ng tip sila groomer lalo naman at nakita nyong mga furparents na nahirapan sila sa amin. Hindi biro ang mag-groom ng mga furbabies na first timer. Lalo na kung naging sexy at gwapo naman ng mga furbabies nyo.

Pwede nyo ma-contact ang The Purple Groom sa mga sumusunod nilang branches

Tiendesitas, Pasig 624-6402

Greenwoods Village, Pasig 622-7668

Xavierville Ave, Quezon City 624-2245

California Square, Mandaluyong 622-0653

BF Homes, Paranaque 211-3824

N Domingo St., San Juan 500-0181

One Cainta Place, Cainta 500-5863