Para di na kayo mahirapan sa pagpaplano kung saan ang summer destination nyo next year, baka sakaling magustuhan nyo ang naging day tour experience naming mga #PomTheDogBlogger sa isang pet-friendly resort in Bulacan, probinsya ng mga makakata.
Ang San Rafael River Adventure ay matatagpuan sa Baranggay Talacsan, San Rafael, Bulacan. Kung hindi ako nagkakamali ang sabi ng nakausap namin, nag-bukas ang pet-friendly resort na’to nong 2015 pa. Dalawang oras mula sa Manila ang papunta dito (maliban na lamang kung maabutan kayo ng traffic) kung saan hindi na masama para umiskapo pansamantala sa napakaabalang syudad at namnamin muna ang kaunting katahimikan para makapag-pahinga at mag-saya ng isang buong araw.
Paano pumunta sa San Rafael River Adventure?
- Kung manggagaling ka sa area kung saan mas kabisado mo ang Cubao, sabihin mo lamang sa kundoktor na ibaba ka bus stop ng Baliwag Transit o Five Star. Kung sanay ka naman sa gawing Manila, pwede kang sumakay ng LRT at bumaba sa R. Papa Station (kung galing kang Baclaran) o di naman kaya ay 5th Avenue (kung galing kang Monumento). Pagbaba sa LRT station sumakay ng jeep at sabihing ibaba kayo sa Baliwag Transit.Sumakay ng byaheng Baliwag at bumaba sa bayan.Pagdating sa bayan ng Baliwag, hanapin nag simbahan ng San Agustin at tumawid sa may Petron at sumakay ng tricycle (T.C.P. Toda) o jeep (via Pulo) at sabihing ibaba kayo sa San Rafael River Adventure.Viola, nasa iyong destinasyon ka na ng ganun ganun lang.
Ayon sa FAQs na nakalagay sa website ng San Rafael River Adventure, kailangan may reservation ka na sa kanila para sigurado ang slot mo. Ang kagandahan dito kahit fully booked na sila hindi mo ramdam ang tao sa lugar dahil sa dami ng lugar at activities na pwedeng puntahan. Fully booked kami nong nagpunta dito pero nagawa pa naming mag-pictorial ng walang abala. Narito ang ilang amenities na meron ang San Rafael River Adventure.
Ano ano ang amenities sa San Rafael River Adventure?
- Air Conditioned RoomsGlamping Tents AccommodationsInfinity PoolFloating PoolChildren’s PoolSlide and BlobWildlifeParkingRiver CruiseIhaw-Ihaw BuffetEditha’s Restaurant and Events Place
Sa halagang P2,000.00 – naranasan namin ang kanilang Glamping Tent (2 pax) with electric fan at isang vault para safe ang gamit nyo pag nag-simula na kayong lumibot sa lugar at kung may additional kayong kasama pwede din sya dito dahil good for four (4) pax ang tent pero syempre may additional din na fee yun – P800.00 per person. Kasama na din dito ang access sa Floating Pool at Kayak na 1 hour.
Kung malaking family naman kayong pupunta at kung gusto nyo na mas komportable ang mga furbabies nyo pwede nyong subukan ang kanilang Glass Villa (maximum of 16 pax) or Glass Cabin (maximum of 14 pax) na nagsisimula sa P12,000.00 hanggang P25,000.00
Magkano naman ang rates sa San Rafael River Adventure?
To be honest, medyo pricey ang kanilang rates pero na-compensate naman sa experience. Mas gugustuhin ko na lang ulit bumalik dito sa darating na summer 2019 kesa makipag siksikan sa mga fully loaded na resort sa Bulacan. Narito ang ilang rates na pwede nyong pag-pilian
- Day Tour (7:00AM – 6:00PM) – P750.00/pax minimum of 4 pax with Kubo Cottage, access to Infinity Pool and Floating Pool plus free 1 hour use of Kayak or Paddle BoardNight Tour (7:00PM – 12:00MN) – P500.00/pax minimum of 4 pax with Kubo Cottage, access to Infinity PoolGlass Cottage (Day Tour / Night Tour) – P5,000.00 good for 4 pax/plus P1,000.00/extra pax | (Overnight) – P10,000.00 good for 4 pax/plus P1,500.00/extra pax
Madami pang pwedeng i-offer ang San Rafael River Adventure at para sa kumpletong detalye ng rates, pwede nyong bisitahin ang kanilang website. Walang bayad dito kung mag-dadala ka ng sariling pagkain kahit meron silang restaurant sa loob at river cruise. Pahihiramin ka pa nila ng ihawan at gaas para makapagpa-baga ka ng uling kung gusto nyo mag-barbeque na ipapakain sa mga furbabies nyo.
Madami ding mga pang IG post sa lugar dito kung mahusay ka lang umanggulo ng camera. Nandito ang Reflection Island, Infinity Pool at ang Wildlife Park.
Isa lang ang maipapayo ko sa lahat ng mga nagbabalak magpunta dito sa San Rafael River Adventure. Ihanda ang wallet hindi dahil sa magagastos nyo sa resort kundi sa pamasahe. Ang pamasahe sa Bulacan ay pataasan hindi pababaan kahit sandamakmak ang gasolinahan na nakapaligid sa bayan Baliwag. Kung inaalala nyo naman ang masasakyan pag-uwe nyo, huwag kayong mag-alala dahil napag-alamanan ko na sa reception ng resort pwedeng magpa-tawag ng tricycle pabalik ng bayan ng Baliwag.
Ano pa ang pwedeng idagdag ng San Rafael River Adventure?
Para mas lalo silang tangkilikin ng mga furparents na gustong isama ang kanilang mga furbabies, sana magkaroon sila ng isang lugar para sa mga doggos, like pool. Wala ng kulang para sa mga amenities ng hooman pero syempre mas magandang experience para sa aming mga doggos na makasama pa din kami pag ang furparents namin ay naliligo na pool. O di kaya naman ay isang closed playground na pwedeng iwan ang mga doggos na naka off leash. . Kapag nangyari ito, complete package na ang San Rafael River Adventure bilang pet-friendly resort in Bualcan.
Paalala: Ang blog post na ito ang hindi binayaran ng San Rafael River Adventure, nag-bayad sila mommy at daddy ng daytour. Ang lahat ng nakasulat dito ay base sa naging experience naming mga Pom The Dog Blogger
Bago ko makalimutan, ako nga pala si #BlazeTheDogBlogger ang mini writer ng Pom The Dog Blogger at member ng Bulacan Woofer Group.
2 thoughts on “Plan your Summer 2019 at San Rafael River Adventure – Pet-friendly Resort in Bulacan”