Nag-simula ang mga furparents namin na sila Daddy Payat at Mommy Liit na umattend ng dog event nong 2016 sa Pet Expo ng Pet Express. Pumupunta pa sila sa mga dog cafe, pet cafe nong mga panahon na yun – Bengal Brew / Wolf & Bear and Barkin’ Blends Dog Cafe to name a few. Biruin nyo that time, wala pa silang demidog na kasama. At alam nyo ba na nag-post lang si Daddy Payat na soon magkakaroon sya ng pet na dadalhin sa Pet Expo.
Then yung manifesting post ni Daddy Payat is nagkatotoo ng 2017 dahil umattend sila ng Pet Expo that year na kasama ang unang demidog – si Snow.
At dito na ang simula ng paglaki ng camp na noon na nagsimula bilang Snow the Dog Blogger. Ilang mga pet event din ang pinuntahan namin like Pet Summit, Pets Camp Out. Sa mga gantong event kami nakakakila ng mga ay mga brand kaya lumawak ang connection namin sa dog community.
Nag start kami makakuha ng mga partnership sa mga brand last 2019 at ilan sa kanila ay hanggang ngayon ay sumusuporta pa din sa amin once na mag send kami ng proposal para sa activity namin.
Kaya naman same year naisipan naming magkaroon event for December 2019. That event is a series of online contest for dogs. And nag set kami for a Demidog Day Out sa Ayala Triangle, Makati City para sa mga nanalo ng mabigay ng personal ang mga prizes na bigay ng sponsors.
We are planning na sana gawing tong Demidog Day Out for our yearly activity but 2020 is the pandemic year. Namahinga din ang mga demidog sa pag-blog dahil inactive din ang mga gatherings and events. And after three years, we try ulit na mag-event ng Demidog Day Out dito naman sa Baliwag City Bulacan para sa ika-anim na anibersayo ng Camp Demidog. At first akala namin is hindi sya tatangkilin dahil for how many times kami nag-ask sa mga dog group for Bulacan Area specially for Baliwag and San Rafael community – walang sumasagot na gusto nila ng mga gantong activity. Nagulat kami sa bilang ng dogs and furparents na nagpunta sa kabila ng masamang panahon nito lamang July 29, 2023.
And this event will not happen kundi dahil sa mga sponsors and partners na tumulong maging successful ang first dog event na ginawa namin for Bulakenyo furparents. Baliwag Pet Shop, Petfort Veterinary Clinic, Kwinsole Cafe, Pawnec, Pet Plus Global for Classico Dog Biscuits, Canine Cravings and Train and Reward, and sa Paws and Hooman.
Nakapagbigay kami ng loot bags for 20 demidogs, nagkaroon ng pet talk and free deworming and free pet buffet, photoshoot and games na kinatuwa ng mga furparents.
The reason why kaya din kami nag set up ng gantong event sa Bulacan is because we have a goal na makapag-establish ng dog cummunity talaga dito sa Bulacan and to promote the pet friendly establishment na tulad ng Kwinsole Cafe and lastly is makapag-organize ng isang malaking pet event dito sa Central Luzon. We know na this is a big challenge but hopefully ay ma-achieve din namin soon. And as long as nandyan kayo para suportahan kami alam naming one day papunta din tayo don.
One thought on “Six Years of Pawsome Experience – Demidog Day Out 2023”