Sniff Dog Shampoo

Naghahanap ba kayo ng pwedeng dog shampoo para sa mga furbabies nyo? May nakilala kami last Pet Summit Philippines na ginanap sa BGC nito lamang April 2019.

Sniff Dog Shampoo

Ang brand na to ay gawa ng Purple Paw, isang pet store na nakabase sa south – Alabang, Muntinlupa na merong pet grooming services and pet boarding. Committed ang brand na to na makapag bigay ng isang high quality dog care products na hindi mabigat sa bulsa at locally produced. Sa madaling salita, gawang Pinoy mga ka-woofers.

Ginamit ng buong Camp Demidog ang Sniff para malaman kung ano ang pwedeng ibigay na benefits ng nasabing brand. Isa sa napansin namin sa Sniff ay hindi ito mabula unlike sa Furmagic. Pero kahit na hindi sya ganun kabula okay lang dahil mabango pa din ang dog shampoo as in kumapit talaga sa fur namin ang scent ng shampoo.

Sa halagang P150.00 sulit ka na sa Sniff dahil gawa ito sa purong madre cacao, isang pangunahing sangkap para makatulong sa ating mga furbabies na gumanda at umayos ang ating mga balahibo at balat.

Ang Sniff by Purple Paw din ay tumatanggap ng mga gustong maging reseller ng kanilang product. Meron silang dry shampoo (P160.00), shampoo(P150.00 – P1575.00), soap bar (P300.00) at cologne (P300.00)

Para sa mga gustong maging reseller nagbibigay sila ng 40% discount sa selling price kung bibili ka ng kanilang product na nagkakahalaga ng P10,000.00

Sa ngayon mabibili nyo ang Sniff by Purple Paw sa mga sumusunod na lugar

Ali’s Pet Depot, Festival Mall
Golden 3 Pet Store, Evia Mall
Golden 3 Pet Store, Pergola Mall, Paranaque
Golden Pet Home Veterinary Clinic Branches
Pooch Park, Market! Market!
Pooch Park, The District
Pooch Park, Robinsons Metro East
Pooch Park, Greenwoods Pasig
Pooch Park, Ali Mall
Pooch Park, Robinsons Magnolia

Kung interesado naman kayong maging reseller ng dog shampoo pwede kayong mag-message sa kanilang official Facebook Page or mag-email sa [email protected]

Narito ang aming munting video nong araw na gamit namin ang Sniff.