SPECTRAcular Pets Camp Out 2019 at Green Canyon Leisure Farms

Last weekend, February 9-10, 2019 ginanap ang Pets Camp Out ng Nexgard Spectra sa isang pet-friendly resort sa norte, ang Green Canyon Leisures Farm.



Ito ang pangalawang Pet Camp ng Nexgard Spectra dito sa Pilipinas. Ginanap ang kauna-unahan nilang pet camp last March 2018 sa Alta Rios Nature Camp Resort sa Indang, Cavite. At napaka-swerte natin dahil ayon sa pamunuan ng Nexgard Spectra – dito lamang sa Pilipinas nila ginagawa ang gantong klase ng aktibidad.


As early as January, nag-start na silang mag-promote via Paws and Tails Event Concepts and Management. At dahil bigla kaming nag-back out sa schedule nila last year because of our furparents personal reasons, nai-push nila daddy Payat at mommy Liit ang schedule ngayong taon.

Ano ang Nexgard Spectra?


Dahil hindi naman ito isang sponsored post, nag-search na lang kami. Isa itong gamot na nagbibigay proteksyon sa aming mga doggos laban sa fleas, ticks, heartworm, and intestinal worms. Hindi pa nakaka-gamit ng Nexgard Spectra ang kahit sino sa Camp Demidog kaya wala kaming masyadong masasabi dito pero kung pagbabasehan ang testimony ng ilang campers, maganda ang resulta ng Nexgard Spectra sa kanilang furbabies like nawala talaga ang mga dog parasites at gumana pang kumain. Medyo pricey nga lang dahil ang isang box ng small breed ay nasa P500.00+ na. Sa pets camp din na ito namin nalaman na hindi dapat tinitiris ang garapata dahil don kumakalat ang mga itlog nito at muling nabubuhay.

Green Canyon Leisures Farm

Ito ang second pet friendly resort na napuntahan namin, ang una is ang San Rafael River Adventure. Ang  pagkakaiba lamang nila is meron ditong pool na pwedeng maligo ang mga doggos which is yun ang wish namin na magkaroon sa San Rafael River Adventure.


Ayon sa site ng Green Canyon Leisures Farm, open ang wave pool para sa doggos and fur parents every Sunday. Ang pet friendly room nila ay ang  Deluxe Room which is may kasama ng dog bed at dog towel. Free din mag explore sa farm basta naka-leashed at may kasamang 18 years old+. Nirerequired lang ng Green Canyon Leisures Farm na updated ang vaccines nating mga doggos at dapat ay 4 months and above na tayo. Wag din kalimutan ang isang rules pagdating sa amin, “clean after your pet“. May mga designated garbage sa farm para sa aming mga bomba. Pwede nyo bisitahin ang website ng Green Canyon Leisures Farm para sa ibang detalye tulad ng rates and other activities na pwede nilang i-offer kung interesado kayo magpa-book.

Kumusta ang experience sa Pets Camp Out 2019?


Mula Bulacan nagbyahe pa din kami papuntang MOA, Pasay kasama si daddy Payat dahil wala kaming private car. Ito ang isa sa lagi naming pag-subok pag may gala kami sa Metro. Mula MOA Pasay binaybay namin ang North Luzon Express Way kasama ang Cavite Husky Pack.

Pagdating namin sa Registration, nag-check sila ng mga Vet Card ng mga campers. Muntik ng hindi makapasok si Snow dahil nakalimutan ni daddy Payat ang old Vet Card nya.


Mabuti na lang at pumayag ang personnel na nag-assist sa amin na kahit certification lang ang mapakita namin nag-papatunay na kumpleto ang vaccines ni Snow. Nagbigay naman agad ang Synervet, ang Vet Clinic ng Camp Demidog. During registration binigay ng Nexgard Spectra Team ang kanilang freebies na Sleeping Bag for hooman at dog bowl and poop bag for doggos plus food stub. Sagot ng Nexgard Spectra ang lunch, dinner at breakfast ng mga hooman.

Halos lunch time na din nong dumating kami kaya naman nong nag-seset up ng tent si daddy is tirik na tirik ang araw. Pagkatapos ng tanghalian nagsimula ng magpalaro ang Nexgard Spectra Team. Sumali ang mga grupo tulad ng Cavite Husky Pack, Cats and Dogs Fashionista, Boston Terrier Tribe, Golden Retriver Pack at madami pang iba. Meron din silang Pawlympic para sa mga grupo na sumama. Nag bon fire din sila ng gabi para mabawasan ang lamig na nararamdaman ng lahat. Meron din silang mountain hike na ginawa para salubungin ang sun rise.

Nakilala din namin ang kanilang brand ambassador, walang takot na nakipag sniff si Blaze dito. Madami din kaming nakilalang bagong demidog.

Ang isa pa sa nagustuhan namin sa camp na to is hindi nag-push ng sales ang Nexgard Spectra. Unlike sa ibang brand na pag may outdoor event talagang sales ang inuuna. Nakakatuwa pa na pinu-push nila na sa Animal Kingdom Foundation bumili ng mga products para makatulong sa ibang mga furbabies na inaaruga ng AKF. Syempre hindi nagpahuli ang Camp Demidog dahil may advocacy din kami na tumulong sa mga gantong organization.


Pwede nyo din bisitahin ang website ng Animal Kingdom Foundation para sa detalye kung gusto nyong mag-donate or bumili ng kanilang merchandise.

Honestly super nag-enjoy kaming #HouseofPomeranian pero may napansin lang kami.

  • Sana nagkaroon ng staff ng organizer sa camp site. Narinig namin na dapat lahat ng dumating is mag-set up na ng tent sa gilid pero yung ibang mga naunang is nag-hintay pa na mapuno ang nasabing area saka nag-tayo ng tent.
  • Puro bahay ng langgam ang camp site kaya naman ilang beses pinagpiyestahan ang paa ni mommy at daddy. Baka ito din ang rason kung bakit yung ibang tent sa gilid is nawala at lumipat. Kami din nila daddy ay lumipat pero nong kinabukasan panay langgam na ulit ang loob ng tent namin.
  • Ang camp site napakainit dahil wala man lang puno sa paligid ng area.
  • Sana sa susunod na pets camp out hindi magkakatabi ang mga magkaka-grupo. May mga campers kasi na walang grupo pero feeling ko nahihiya din silang maki-miggle sa iba lalo na kung nakatumpok sila sa isang lugar.
  • 2 years na parehong Luzon ang venue ng Pets Camp Out, masakit man mang-suggest dahil for sure hindi kami makakasama pero sana mag-karoon din ng chance ang mga taga super north like Baguio or mga taga Vizayas and Mindanao.

Maraming salamat Boehringer Pets PH sa isang #SPECTRACULAR and #PAWsome experience na to. Kaya ano pa ang hinihintay nyo mga ka-woofers at furfriends pati na din sa ibang mga demidog. Sabay sabay natin ulit abangan next year ang schedule ng Pets Camp Out 2020.

Narito ang aming munting video blog sa naganap na #PetsCampOut2019


NOTES: Ang article na ito ay hindi sponsored ng Nexgard Spectra or ng Green Canyon Leisures Farm. Ang lahat ng nakasulat dito ay pawang base sa experience ng mga Demidog.

Fire The Pomeranian Blogger