Ang treats ay isa sa matuturing na matibay na pundasyon sa relasyon ng mga doggos at ng kanilang mga furparents. Tulad naming mga demidog, nauuto namin sila daddy at mommy na magaling kami sa mga tricks. Ang hindi nila alam ay excited kami sa naka-ready na treats na nakatago sa kamay nila pag play time namin. Alam kasi naming masarap ang ibibigay nila lalo na ngayon na nadagdagan ang listahan namin bukod sa Train Me, Doggie Biscuits at Milky Biscuits na nabibili nila sa Cartimar or sa Shopee.
Ang treats na ipapakilala namin sa blog na ito ay ang bagong nagpapatulo laway ng buong camp, ang Train & Reward ng Petplus Global.
Bago namin i-kuwento ang experience namin sa treats na ‘to, background check muna tayo ng brand. Si Petplus Global ay na-established noong taong 2005. Ang kanilang main products ay mga pet treats, pet accessories, pet litters. Sila din ang may hawak ng paborito naming Milky Biscuits na na-review namin last time dahil sa kanilang pawsome customer service. Ilan pa sa mga in-house brand nila ay ang Doggie Biscuit, Munch & Treats at madami pang iba.
Ano naman ang Train & Reward?
Ito ang bagong brand ng treats ng Petplus Global. Isa itong treats for all kinds of doggo. Mapa small woofer or large doggo pa ito. Ang treats na ito ay gawa pa sa France ayon sa aming source.
Ilang variants ang meron sa Train & Reward?
Meron silang tatlong variants
- Twist Stick
- Star Stick
- Natural Dog Chew
Kamusta naman ang presyo?
Nag-check si mommy ng presyo sa Shopee at naglalaro ito sa P150.00 pataas. Wala pa kasing makita sila mommy at daddy ng physical product nito sa merkado dahil di pa sila nagagawi sa mall lately.
Anong benefit naman ang pwedeng makuha sa Train & Reward?
Dinisenyo ang Train & Reward para makatulong sa ating mga doggos na magkaroon ng fresh breath at malinis ang ating mga ngipin, mabawasan ang tartar and plaques. Hindi lang sya basta basta treats for doggos mga ka-woofers.
Saan naman sya pwedeng mabili?
Sa ngayon, wala pang nakikita si daddy sa Cartimar pero ayon sa Petplus Global meron na silang mga client don na nag order ng product. Pwede nyo din makita sa Pet Lovers Centre ang Train & Reward.
Ano ang hatol ng mga demidog?
Amoy pa lang ng treats na ito lalo na ang beef flavor ay nagpapataas na ng ulo namin. Sabi nga ng mga hooman, pag mabango ang isang pagkain for sure masarap ito.
Paborito ni Winter ang Natural Dog Chew Milk Flavor kaya naman ang bilis magpakitang gilas ng prinsesa naming husky ngayon.
Mas nauubos naman ni Blaze ang Star Stick Beef Flavor compare sa puppy dental stick ng ibang brand. Dahil na din siguro sa feature nito na soft at chewy texture.
Pag-dating sa isa pa naming prinsesa na si Fire, gustong gusto nya din ang Twist Stick Beef Flavor. Nagugulat nga kami dahil di pa kami tapos minsan naka-abang na sya for another round.
Ang matakaw naming si Oreo syempre di din papahuli, magaling din magpakitang gilas alang alang sa Train and Reward.
Overall judgement? Magiging suki na kami ng Train & Reward, sasabihin ko kay daddy na huwag ng bumili ibang pang dental care para sa amin. Hindi na masama ang presyong nakita ni mommy sa Shopee na P150.00 for 20pcs (and more) compare sa P85.00 for 7pcs di ba?
Para sa karagdagang detalye ukol sa Train & Reward, maaari nyong bisitahin ang kanilang official Facebook Page or ang Fan Page ng Petplus Global.
Narito ang aming maikling video blog with Train & Reward.
Ang product sa blog na ito ay sponsored ng nasabing brand, ngunit ang lahat ng nakasulat dito ay galing sa opinion ng buong camp at walang kinalaman ang brand mismo.
5 thoughts on “Train and Reward Treats by Pet Plus”