Pinapakilala ng Camp Demidog ang aming bagong natuklasang dog biscuits. Huwag lang kayo malilito mga hooman, dahil sa unang tingin aakalain nyo pang hooman ito pero para ito sa mga furbabies tulad naming mga demidogs. Hindi na bago sa mga demidog ang brand na Train & Reward dahil naisulat na din namin ang kanilang treats na pang dental care at aprubado din namin ang nasabing treats lalo na at paborito namin ang kanilang beef flavor.
Ang Train & Reward ay pangatlong brand ng dog biscuits kung hindi ako nag-kakamali sa bilang (Milky Biscuits at Doggie Biscuits ang unang dalawang biscuits na parehong brand din ng Petplus Global) na nasubukan ng mga demidog at natikman na namin ang tatlo sa apat na variety nito.
Mare-recommend ba ng mga demidog ang dog biscuits na to?
Walang duda, sabay sabay na isisigaw ng mga demidog na bumili at subukan nyo ang brand na to para sa mga doggos at woofers nyo sa bahay. Pero sa tatlong variety na natikman namin, medyo nahirapan ang mga demidog sa Mix Crunchy Biscuit White. Masyado kasi syang matigas para sa House of Pomeranian. Pero yung dalawang binili nila mommy at daddy sa Cartimar na Mix Mini Stuffed Biscuits at Mix Sandwiches, saktong sakto ang size at lambot nito para sa aming lahat. Hindi nahihirapan sila Cookie at Muffin na medyo may iniinda na sa ngipin dahil sa katandaan, hindi din nahihirapan ang maliit naming ngipin nila Snow at Blaze.
Saan sya mabibili at affordable naman ba sya?
Para sa amin, halos same cost lang din kung bibili kami ng 200g ng isang brand ng dog biscuits na nagkakahalaga ng P100.00 – P120.00. Ito kasing Train & Reward Dog Biscuits ay nasa P450.00 – P600.00 ang presyo para sa 1kg. Pwede syang mabili sa Pet Express, Pet Lovers Centre at syempre sa Cartimar. Kung nabibigatan naman sa presyo, meron kaming nakita sa Cartimar, 350g na asa P170.00 – P200.00 ang presyo depende kung paano ka makipagtawaran.
Worth it bang subukan ang Train & Reward?
Masasabi naming worth it subukan ang brand na to, lalo na para sa mga furparents na madaming furbabies tulad namin. Madami kasing laman ang 1kg., for sure na hindi lang to pang isang linggo. Sa loob ng tatlong buwan simula ng subukan namin ang brand na to, nakaka-tatlong (3) 1kg na kami (dahil walong demidogs ang naghahati-hati pero may natitira pa naman kami na halos isang 1kg pack).
Pwede nyo panoorin ang aming munting video blog para makita nyo kung gaano kagusto ng mga demidog ang nasabing dog biscuits.
Para sa ibang detalye, pwede nyong bisitahin ang kanilang official Facebook Page.
Ang product (Mix Crunchy Biscuit White) ay sponsored ng nasabing brand subalit ang lahat ng nakasulat ay mula sa opinyon base sa experienced ng mga demidog.
One thought on “Train & Reward Dog Biscuits by Petplus”