Ang Camp Demidog ay naimbitahan ng Pet Plus Global para sa kanilang Weekend Dog Fair at launching ng kanilang bagong brand ng dog food, ang Vitabeef. At sa pagkakataong ito, ginawan ng paraan nila mommy Liit at Daddy Payat na kami namang Cabin of Husky ang makakagala. Napaka-swerte namin ni Winter The Selfie Husky dahil pumayag ang pinsan naming si Joshua (pamangkin ni Daddy) na maging service namin mula sa Baliwag hanggang Quezon City.
Ito ang unang beses na nag-organize ng major outdoor event ang Pet Plus Global para sa lahat ng mga furparents. Ang Pet Plus Global ay isang distributor company na naka-base sa Binondo, Manila. Sila ang may hawak ng paborito naming Train and Reward Dental Treats at Biscuits, Milky Biscuits at Doggie Biscuits pati din ang paté-style na Canine Cravings na halos lahat ay nagawan na namin ng review.
Hindi naman lingid sa inyong kaalaman na ang miyembro ng Camp Demidog lalo na ang House of Pomeranian ay suki na sa mga gantong event. Isa sa rason kung bakit ang buong camp ay active sa mga gantong dog fair ay syempre para makakilala at mahanap ang iba pang mga demidog na katulad namin
At kung hindi mamasamain ng mga kaibigan namin sa Pet Plus Global, narito ang ilan sa aming honest review bilang isang attendee.
Bakit effective ang gantong outdoor event para sa isang brand?
Super effective ang ginawa ng Pet Plus Global na magpa-outdoor event para ipakilala ang kanilang mga brand sa mga possible and future customers. Sa gantong dog fair kasi, may chance na ma-explain ng mga brand representative ang mga benefits ng kanilang product – on the spot. Tulad ng ginawa nila sa kanilang bagong brand ng dog food, ang Vita Beef. Inimbitahan nila si Tristan at Milo ng Milo and Friends bilang brand ambassador ng Vita Beef. Nandito din yung healthy discussion between the brand and the attendee. Malakas makakahatak ng new customers ang isang brand kung may mga pet parenting talk ang brand ambassador or mga dog group or kahit ang kanilang resident veterinarian na may pasegway sa kanilng brand. Para sa aming mga demidog is effective talaga ang gantong segment sa mga dog fair.
At after magbigay ng talk ni Tristan tungkol sa dog behaviour at kung paano ito itatama. Nagpakitang gilas naman sila ni Milo ng mga tricks na talaga namang ikinabuhay ng crowd. Bagay bagay din sila bilang brand ambassador ng Train and Reward ng Pet Plus Global.
Sa gantong dog fair din kasi sure na makakakuha ka ng mga discounted items. Sulit na sulit sa aming mga demidog yung discounted items sa dog fair ng Pet Plus Global dahil nakabili kami ng Train and Reward Dental Treats at Biscuits na nagkakahalaga lang ng P120.00 at P135 kung saan nabibili nila mommy at daddy ang mga to sa halagang P150.00 sa Shopee or sa Cartimar. Syempre hindi mawawala yung mga lootbag and freebies kada booth na ikakatuwa ng mga furparents dahil may extra bonding time silang gagawin with their demidog.
Ano ang pwedeng i-improve ng Pet Plus Global pag-dating sa outdoor event para sa mga demidog?
- Yung venue. Siguro kailangan mag-hanap ang Pet Plus Global ng mas malaking space for venue. Para hindi din dikit-dikit ang mga booth at magkaroon sila ng sariling space for their games na pwedeng makasali ang mga small to medium to large dogs. Plus na lang din siguro yung cooler venue since outdoor event kasi sya. Isa sa pwedeng ma-suggest ng Camp Demidog sa Pet Plus Global is ang Highstreet sa BGC. May mga puno and pwedeng maupuan ang mga attendee dito at pet friendly din ang area.
- Yung oras at programa ng event. Early registration para sa mga gantong dog fair is a must – sa tingin naming mga demidog. Dahil hindi naman maiiwasan na may mga fur parents na pumunta ng maaga lalo na kung ang venue is pet friendly. Honestly speaking, simula ng dumating kami at after naming mag register ang haba ng patay na oras namin ni Winter sa paghihintay magsimula ang event. Maybe makakatulong na hindi mainip at maupo sa isang malilim na area ang mga attendee ang Hourly raffle or games bago magsimula ang event talaga dahil for sure naman at naiintindihan naming mga demidog na may hinihintay na guest speaker kaya hindi agad nakakapag-simula ang gantong dog fair. Oh, bigyan din sana ng appreciation ang mga early birds for the effort na pumunta.
- Booth activity. For more reach on social media tungkol sa brand and syempre tungkol sa event, kung pwede gawin din ng mga booth representative ng Pet Plus Global na ipa-LIKE and FOLLOW ang Facebook Page ng brand sa mga attendee or mag-post ng selfie sa booth with corresponding hashtag and in return some freebies or discount voucher. Sa gantong way kasi nakikita naming mga demidog na effective ang mga attendee ipakalat ang brand at event. Sa panahon ngayon, isa ang Social Media na dapat maging asset ng isang brand. Isang poster about sa activity booth is a good way to start a communication to the attendee and syempre nasa representative na yun kung paano nya maipapakilala ng mabuti ang brand na hawak nya.
- Buffet for VIP. Isang malaking thank you sa Pet Plus Global na makasama kami sa list ng VIP. Pero baka pwede sa susunod is ma-consider ng organizer na wag masyadong public ang buffet area. Napapansin kasi namin yung ibang mga hooman and demidogs is napapatingin sa mga kumakain and nagtataka siguro kung paano maging VIP.
- Kung pwede din ma-suggest is magpa dog fair sila sa mga probinsya. Hindi lang naman Metro Manila merong mga demidog. Tulad namin sa Camp Demidog is nagpa-planong magkaroon din ng pet day out sa amin (Baliwag, Bulacan) dahil madami ding demidog dito na naghihintay lang ng gantong event para mapakita namin ang aming mga kakulitan sa mga organizer. For sure naman ang mga brand nila ay mga regional sales partner at mas malaki ang chance non mas makilala sila sa mga lugar na yun.
Hopefully hindi lang ito ang event ng Pet Plus Global dahil ang buong camp ay maghihintay pa ng mga susunod pang event nila, well syempre around Metro Manila lang at Central Luzon.
Ang lahat ng nakasulat dito ay mula sa experienced ng demidog na pumunta ng dog fair at walang kinalaman ang Pet Plus Global sa anumang nakasulat dito.
One thought on “Weekend Dog Fair by Pet Plus Global”