Where to Buy Pomeranian Puppies -Kennel that Offers Quality Pomeranian in Luzon

Sa dami ng pet shops at breeders, malaking katanungan talaga ang “where to buy pomeranian puppies?” Kaya naisipan naming gumawa ng listahan ng mga Kennel na malapit sa Manila para magkaroon ng reference ang mga gustong magkaroon ng Pomeranian. Nag-tanong tanong si daddy Payat sa mga dog group related sa Pomeranian sa Facebook kaya naman nakabuo kami ng mga kennel na may mga loyal na client at nagsasabing nag ooffer sila ng mga quality Pomeranian. Narito ang ilan sa mga kennel na pumayag sa simpleng interview namin.

Chibi Paws Kennel

Ang Chibi Paws ay nakabase sa Lucena, apat (4) na oras ang byahe mula sa Manila. Ang kennel nila ay member ng Philippine Canine Club, Inc. (PCCI) at tatlong (3) taon na nagpo-produce ng quality Pomeranian.

Ayon sa kanila kaming mga Pomeranian ay energetic, protective sa fur parents, hindi man halata pero magandang guard dog din kami dahil makarinig lang kami ng maliit na ingay hindi na kami tatahimik kalatahol, madalas nga lang napaka-friendly namin kaya nga pwedeng pwede kaming makipaglaro sa mga chikiting and other dogs. Doble ingat lang daw lalo na pag big dogs ang makakasama dahil madaling mabalian ng buto kaming mga Pomeranians. Indoor dogs din naman ang kami kaya ang suggestion nila pagdating sa exercise ay kahit every other day ang walking.

Pagdating sa shedding, twice a year kung magpalit ng fur ang mga Pomeranian. Pero pag babaeng Pomeranian, asahan daw ang madalas na pag-shed lalo na pag may menstruation ito at nanganak. Kung alaga naman daw ang Pomeranian, suggestion nila pagdating sa grooming ay kahit twice a month kami paliguan ay okay na then every 6 months naman ang punta sa mga shop para pagupitan.

Nalaman din naman mula sa kanila na regarding sa PCCI, pwedeng gamitin ang male Pomeranian sa stud hanggang 12 years old nito samantalang sa female Pomeranian naman ay hanggang 10 years old lang. Pagdating sa usapang rare colors naman ayun sa kanila ang pinaka in demand ngayon ay yung merle markings. Sa Chibi Paws Kennel ay merong merle, black and tan at choco tan Pomeranians.

Tumatanggap ng stud service ang Chibi Paws Kennel pero limited lang dahil konti lang ang male Pomeranian nila. Ang pinamabentang male nila pagdating sa stud service ay si Chi, isang white Pomeranian na galing pa ng Taiwan.


Madami daw kasing mahilig sa white Pomeranian. Kung interesado kayo kay Chi o sa iba pa nyang male Pomeranian pwede nyong kunin ang service nila sa halagang P5,000.00 including na ang shooters fee and free boarding with back stud. Pagdating naman sa litters nila, nagsisimula ang rates nila sa P25,000.00. Ang release naman nila ng puppies ay usually nasa 2 months old na.

May advice din ang Chibi Paws Kennel para sa mga gustong magtayo ng sariling Kennel.

Kung magtatayo ng Kennel, advisable na member dapat ng PCCI – yan lang kasi ang way para magkaroon ng papers ang mga dogs. Aralin muna yung breed at mga possible expenses bago mag-start ng breeding or kennel.

Kung interesado kayo sa kanilang kennel, pwede nyong tawagan ang kanilang number 09178974711 or bisitahin ang kanilang Facebook Profile.

Dale of Doringcourt Kennel

Matatagpuan naman ang Dale of Doringcourt Kennel sa lungsod ng Marikina. Isang PCCI member at apat na taon ng nagbi-breed. Ang mga Pomeranian sa kennel na ito ay malaya sa loob ng kanilang bahay. Pagdating sa grooming, dalawang beses sa isang buwan sila nagpupunta sa shop para sa grooming session.

Iba naman ang years na binigay ng Dale of Doringcourt Kenne tungkol sa lifespan ng isang doggos na ginagamit sa pagbreed. Apat na taon lang ay pinagreretiro na nya ang mga ito at hinahayaang na syang maging pet sa bahay. May stud service din ang kennel na to na sa P5,000.00. Kasama na dito ang 2x mating at dog food kung iiwan sa kanya ang doggos. Tulad ng ibang kennel, 2 months din nila nirerelease ang puppy sa kanilang mga bagong fur parents. Ang colors na meron ang kennel na ito ay white, sable orange lang ayon sa owner.

Ayun din sa owner kung gustong mag-karoon ng kennel ay pag-isipan ng maigi dahil hindi bira ang pag-aalaga ng aso. Isipin mabuti ang breed, ang financial at time.

Para sa gustong mag-inquire sa kanila pwede nyo pong i-message sa Facebook si Rudy Avendano.

Havre De Chien Kennel (Happy Tails)

Ang kennel na Havre De Chien ay isang french word na may english meaning na dog haven at dalawang taon Pomeranian breeder. Ang commercial name nila ay Happy Tails at sila ay nakabase sa Bacoor, Cavite. Sila din ay member ng Philippine Canine Club, Inc.

Ayon naman sa kennel nato besides from their apparent fluffy cuteness and smiley faces, pomeranians are very smart dogs, super energetic at super liksi nila. Iba iba ang personality ng mga pomeranian dogs meron demanding, meron din independent puppies. Pero base sa kanilang observations ang pinaka-common attitude na meron ang Pomeranian is they act as big dogs. Yung tipong nauuna pa kaming tumahol dahil alerto ang mga tenga namin. Hindi din kami takot sa ibang aso, makikipag-tahulan pa kami kahit gaano katagal.

They are constantly curious na mag explore talaga sila ng surroundings nila and that what makes them special, they want to know and do things with their owner, di sila takot. In our kennel, small/toy dogs play together for an hour in our garden, may small space sila dun na equipped with balls, rope, empty bottles. We dont walk them around the subdivision especially puppies kasi di controlled and environment madaming pwede makuhang sakit sa labas ng bahay.

Pagdating sa exercise, hindi kailangan ng malaking space to walk them around. Kahit hayaan nyo lang kaming maglaro ng ball for 15-30 minutes ay okay na for daily exercise. Hindi din nila advisable na iwan lang sa cage kaming Pomeranian dahil madali kaming ma-bored.

Ang kanilang usual routine pagdating sa grooming ay everday brushing then once a week bathing dahil hindi naman daw dumihin ang mga Pomeranian hindi tulad ng ibang long coat dog breeds. Pagdating naman sa breeding para sa kanila dapat five to six years old ay retire na ang doggos sa breeding para maiwasan ang complications.

Pagdating sa stud service, baguhan palang ang kennel nila dahil isa palang ang lalaking Pomeranian nila. Mostly naghahanap na lang sila ng  pwedeng maging partner ng female Pomeranian nila dahil madami din namang quality male sa area nila. Ayun sa kanila ang stud service ng pom usually ranges from P2,500.00 to P7,000.00. Price varies depending sa blood line or sa liit ng stud. Usually kasama na ang dog shooter’s fee. Pagdating naman sa litter nila nasa nagsisimula ang rates nila sa P12,000.00 pag male at P15,000.00 pag female naman. Nirerelease nila ang mga puppies nila after ng second vaccine para makaiwas sa sakit.

May advice din ang Happy Tails para sa mga gustong magkaroon ng kennel. Para sa kanila, Registration with PCCI or any other dog club is not neccessary.  Sa mga gusto naman magkaroon ng merle and blue Pomeranian kung saan naka-tag as rare colors kailangan mag-ipon ng halos nasa P80,000.00 – take note local born palang yun. Tandaan lang daw na kung magtatayo ng kennel importanteng passion nyo ang pag-aalaga ng aso. Kasunod na non ang finances nyo dahil hindi biro ang gastusin ng mga doggos.

Advise sa mga gustong mag breed na natutunan ko na lang when im already in the business, dont get teacup females kasi usually sila yung madalas ma CS. Seek help from an experienced Dog Shooter kasi madami kang matutunan sa kanila from tips kapag nag heat na ang dog mo hanggang sa paghanap ng quality stud.

Kung interesado kayo sa kanilang Pomeranian, pwede nyong bisitahin ang kanilang Facebook Page or tawagan ang binigay nilang contact number, 09565101531

Narito pa ang ilang pangalang pwede nyong i-search sa Facebook kung gusto nyo ng quality Pomeranian.

  • Edward Chupungco
  • Sien Alvrz
  • JMR Pomeranian
  • Jovekennel
  • Manual Galang De Jesus
  • Ferry Poblete
  • Julan Gomez
  • Carina Noralyn Suarez
  • Ramon Badillo
  • William Thio
  • Willson Tiu
  • Marvin Gonzalez
  • Manjo Padilla
  • Leomar Bilog

Paalala: Ang article na ito ay hindi sponsored ng kahit ano mang kennel na nasa listahan. Ang nais namin sa article na ito ay maging gabay for pet lovers asking where to buy pomeranian puppies para magkaroon sila ng fur-baby sa kanilang mga tahanan. Ang mga larawang nasa article ay mula mismo sa mga kennel nila.