Missing Pet Gathering? Worry No More!

Simula ng mag-pandemic last March 2020, ang daming pet event or pet activity or mga pet gathering ang sure kaming namimiss nyo nang puntahan. And ngayong nasa kalagitnaan na tayo ng taong 2021, hindi pa din bumabalik ang mga yearly pet events na ito. Ang last event na napuntahan ng mga demidog is ang first ever event ng Pet Plus Global na Weekend Dog Fair na ginanap nong March 7, 2020 sa Centris Walk – Eton Centris. Ito ang unang event or gala din na napuntahan ng Cabin of Husky

 

Sa article na to, balikan natin ang mga ilan sa mga malalaking pet event or pet activity na sure kaming hinahanap hanap nyo na din lalo na sa mga taga Metro Manila at kalapit na probinsya dahil sa mga malalaking discount na ino-offer during the event at mga freebies mula sa mga trusted brand partners ng specific na event.

 

Pets Camp Out

Isa sa alam naming madaming nag-aabang na furparents ang event na to ng Nexgard Spectra. Nag-simula ang event na to nong 2018 at naganap ang kanilang kauna unahang Pets Camp Out sa Alta Rios Resort sa Indang, Cavite at sinundan nong 2019 sa Green Canyon Leisures Farms sa Tarlac. At bago tayo ma-under sa Community Quarantine nairaos pa nila nong 2020 sa Chateau Royale Hotel Resort and Spa sa Nasugbu, Batangas.

Malaki ang pasalamat naming mga demidog sa event na to ng Nexgard Spectra dahil napaka-bihira ng mga resort na pet friendly at totoo namang mahirap para sa ating mga furparents ang makahanap ng lugar na pede silang mag-outing na kasama tayo. Ang Pets Camp Out ay hindi lang literal na outing dahil sa event na to ay maraming demidog na pede mong maka-bonding dahil sa dami ng hinahanda nilang activity and games. Nakapag-outing ka na, may prizes ka pang iuuwe pagkatapos.

 

Pet Summit Philippines

Ang Pet Summit Philippines naman ang pangalawang pet activity / gathering na napuntahan ng Camp Demidog nong bagong tayo palang tayo. Pet Summit Philippines 2018 ang unang napuntahan namin na ginanap pa ito sa Blue Bay Pasay City. Ang main reason kung bakit dinayo pa namin ang event na to mula sa Bulacan ay para maiabot namin ng personal ang ang naipong Piso Challenge nong birthday namin para sa CARA – isang advocacy na naisip ng Daddy Payat namin taon taon. Ginanap naman ang Pet Summit Philippines 2019 sa BGC Highstreet Taguig City kung saan napuno ng mga makukulit na doggo ang kahabaan ng Highstreet.

Sa mga gantong event mo naman makikilala usually ng mga bagong brand or product sa market. Mga free basic grooming para maingganyo ang mga furparents sa kanilang booth.

Doggie Run

Isa tong Doggie Run by Pet Express sa pinakamalaking pet gathering dito sa Metro Manila. Hindi pa namin nasusubukan sumali dito dahil kailangan madaling araw palang andon ka na sa venue. Pag siguro bumalik na tayo ulit sa normal at may sariling sasakyan na ang Camp Demidog, labing dalawa kaming makikiharutan at makikipag-takbuhan sa ibang demidog na galing din sa iba’t ibang lugar dahil dinadayo naman talaga ang event na to ng mga furparents.

Ang event na ito ay under Pet Express at ginaganap ito taon taon sa SM Mall of Asia.

Pets Date Night

Ang pet event naman na ito ng NexGard Spectra ay inaabangan din taon taon ng mga furparents sa Metro Manila. Dito kasi sa event na to kasama mong manonood ng movie ang iyong demidog. Kaya kahit single ka pede ka dito, malay mo dito mo na makita ang furever mo na mahilig din sa demidog.

2019 din ang naging huling Pets Date Night na ginanap sa Blue Bay Pasay City.

Dogs and Cats Expo

Ito na siguro ang pinaka-malaki at bonggang pet event taon taon para sa mga furparents at demidog. Ang event na to ng Pet Express ay usually ginaganap tuwing buwan ng July sa SMX Convention Pasay City. Ito ang kauna-unahang pet event na napuntahan ng Camp Demidog. Unang napuntahan ni Snow ang Dogs and Cats Expo 2017 at hindi na ito pinalagpas ng mga furparents namin taon taon. Nong 2018 si Fire and Snow na ang dumayo sa Pasay City at nong 2019 naman si Blaze, Fire and Snow.

Sandamakmak ang freebies dito sa expo na to at halos lahat ng brand dito ay makikita mo sa mga store ng Pet Express. Bagsak presyo dito kung tutuusin kung suki ka ng Pet Express at gusto mo syempre ng branded na products para sa inyong mga demidog. Tyagaan nga lang din sa freebies minsan kasi minsan mahaba ang pila.

 

Ilan lamang ang mga to sa mga pet event or pet gathering na namimiss natin ngayong panahon ng pandemic. But worry no more, ngayong unti unting nagbubukas ang ilang mga establishment tulad ng SM Malls. Binuksan na din nila ang kanilang Paw Park sa loob mismo ng kanilang mall. Dati ang mga furparents namin ay nakiki “sana all” pag may mga bagong bukas na Paw Park sa ibang mall, ngayon hindi na kami magco-comment sa mga pages na yun dahil nito lamang nakaraang linggo ay binuksan na din ng SM Baliwag City ang kanilang Paw Park at open daw ito sa lahat ng klaseng demidog. Tandaan na lang palagi na hindi pa din tapos ang pandemic kaya sundin pa din ang safety protocols para maka-iwas tayong lahat sa virus na covid-19