Ito ang pangalawang beses ng Camp Demidog sa Pet Summit Philippines, isa sa pinakamalaking event na related na sa tulad naming mga pets.
Isa sa rason kung bakit namin pinipilit pumunta at maka-attend sa summit na to kahit pahirapan ang byahe namin mula Bulacan ay para maibigay namin personal ang naipon namin sa ginagawa naming Piso Challenge na nag-simula lang din last year. Unlike last year lahat ng naipon namin sa challenge ay napunta sa iisang beneficiary – ang CARA Welfare Philippines. Ngayong taon, ginawa ni Snow na beneficiary ang Animal Kingdom Foundation na nakilala namin sa Pets Camp Out 2019.
At ang naipon naman ni daddy ay binigay ni Blaze sa CARA Welfare Philippines.
Masayang pumunta sa ganitong pet summit dahil madami kang makikilalang new fur friends at madaming lecture sa iba’t ibang grupo or personalidad tungkol sa kung paano ang tamang pag-aalaga sa aming mga furbabies.
At bukod sa mga talk syempre kailangan i-enjoy ang mga brand na nagbibigay ng kanilang mga freebies at discounted prices. May mga ilan kaming booth na inilista na baka gusto nyong subukan para sa inyong mga furbabies.
Nutram
Subok na namin ang nutram dahil halos dalawang quarter na namin gamit ang Nutram. Pwede na talaga namin sabihin na totoo ang kanilang tag line na “dog food for picky eater“. Wala nga lang silang pinamigay na freebies during the event para sana masubukan din ng ibang mga furbabies na nasa event. Wag sana sasama ang loob ng Nutram pero feeling ko yung 3 for 100 nila is pang sample / freebies ata nila. Pero hindi ko din naman sila masisisi dahil sila ang may pinakamahal na rates na dog food ngayon sa merkado.
Sniff by Purple Paw
First time namin makita ang Sniff ba brand sa mga gantong event. Sabi ng mga nakausap namin sa booth nila, ang Sniff ay gawa mismo ng Purple Paw – isang pet shop na nasa Las PiƱas. Meron silang grooming services at boarding. Sinubukan din namin ni Snow ang kanilang sanitary trim na nagkakahalaga ng P150.00
Dalawang klase ang kanilang shampoo, meron din itong soap, cologne at dry shampoo. Balak namin gawan ng review ang shampoo na binigay samin ng Sniff by the Purple Paw kaya naman abangan nyo ang article na yun.
Vigor and Sage
Bago din sa pandinig at paningin namin ang brang ng dog food na to na manufactured pa daw sa Netherland. Bagay din daw ang Vigor and Sage sa mga picky eater. Isa sa pambatong ingredients ng brand na to ay herbs like ginseng, lotus, wolfberry and etc. Kung may benefits ang mga herbs na to hooman bakit naman hindi daw pede sa doggos? Kung na-curious kayo sa brand na to, pwede nyong bisitahin ang kanilang facebook page at website. Pero tulad din mga hooman, merong hindi mahilig sa mga herbs meron ding doggos na hindi. Hindi kasi pinansin ng #houseofpomeranian ang nabigay saming sample.
Brit Care
Bago din sa amin ang Brit Care na brand ng dog food. Ino-offer din ng brand na to ang grain free na may flavor na salmon. Infairness, pinansin nila Snow and Fire ang puppy pero pagdating sa adult mukha no no sya. For more details sa brand na to pede nyo ivisit ang kanilang website or facebook page.
Pupkits
Ang Pupkits ay nag-ooffer naman ng mga pet bed at pet tent. Nagsisimula rates nila sa P660.00
Gusto sana namin ang pet tent pero hindi pa namin afford ang presyo nila. Pag iipunan na lang namin at baka sa pasko, ibili na kami nila mommy at daddy. Ang nagustuhan namin sa Pupkits ay ang advocacy nila during the summit. Mag-popost ka lang sa IG account mo gamit ang hashtag nila, magdodonate na sila sa mga animal welfare group. Pwede nyo i-visit ang kanilang facebook page para sa buong price list ng product nila.
Furmagic
May bago ang Furmagic shampoo. Ang kanilang limited edition na Furmagic Freeze. Nasa P570.00 daw ito ayun sa nakausap namin sa booth nila.
Isa sa pinakamasayang experience sa mga gantong summit is makakahanap ka ng mga kakamot sa ulo nyo – promise!
Nagkaroon lang kami ng problema sa isang brand ng treats pero mabuti naman at active ang customer service nila dahil sumagot sila agad sa email ng mommy namin at nag-offer na palitan nila ang binili namin.
Paalala: Ang blog na ito ay hindi sponsored post ng nasabing event or ng kung anumang brand na nabanggit.
4 thoughts on “Pet Summit Philippines 2019”