Barkday na ni #SnowTheDogInfluencer kaya naman ito at busy sya sa maliit naming piso challenge advocacy para makatulong sa mga woofers na nasa pangangalaga ng Animal Kingdom Foundation. Tulad ng last year, gumawa sya ulit ng #iponchallenge kung saan 30% ng total na maiipon ay mapupunta sa nasabing beneficiary.
Si daddy Payat din ay gumawa ng sarili nyang #pisoadvocacy at sa ngayon meron syang total na P910.00 at ang 30% nito ay P273.00. Ang napiling benificiary ni daddy ay nag CARA Welfare Philippines.
Pwede nyong bisitahin ang page ng Camp Demidog sa Facebook para sa detalye ng piso challenge na ginawa ni Snow ngayong taon. Sana ay mas malaki ang maipon ngayon ni Snow para mas madaming doggo ang matulungan nya.
Ang Animal Kingdom Foundation ay nakilala naming mga demidog sa ginawang Pets Camp Out 2019 ng Nexgard Spectra nito lamang February 2019 sa Green Canyon Leisures Farm. Sila ay isang non-profit welfare NGO kung saan tumutulong, pumoprotekta at nagpapalaganap ng kaaalaman ukol sa karapatan ng mga hayop dito sa Pilipinas. Ang isa sa pinakamalaki nilang advocacy ay ang mahinto ang dog meat trade na laganap pa din sa bansa. Meron din silang sanctuary sa Tarlac kung saan nandito ang lahat ng mga na-rescue nila. Kung gusto nyo din tumulong o mag-donate maari nyong bisitahin ang kanilang Facebook Page o hindi naman ay ang kanilang website.
Kayo? May advocacy na ba kayo na ginagawa?
-Blaze The Mini Writer
3 thoughts on “Piso Challenge Advocacy version 2019”