Dog food na may puso o dog food na hugis puso? Aba! Sagot yan pareho ng brand na nakilala namin nong buwan ng Hunyo. Nakilala namin ang Smartheart via Petplus Global. Ang company na nag-produce ng paborito ng buong camp na Train & Reward at Milky Biscuits. Maraming variety ang dog food na Smartheart. Andyan ang Lamb and Rice, Roast Beef, Power Pack (for working dogs), Beef and Milk (for puppy) at ang Beef and Rice (for adult).
Ang Smartheart ay gawa ng Perfect Companion Group Co, LTD, isang pet food company sa Thailand. Si Petplus Global lang naman ang nakuhang exclusive distributor dito sa Pilipinas ng nasabing company noong 2013. Biruin nyo mga ka-woofer isa sa pinakamalaking pet food company ang PCG sa Thailand.
Sa dami ng variety ng Smartheart, sinubukan ng camp ang kanilang Beef and Rice (for adult). Kung pang puppers naman ang habol nyo try nyo ang kanilang Beef and Milk. Mamaya alamin natin sa mga adult na sila Snow, Fire, Muffin at Cookie ang experience nila sa dog food na may tagline na “complete and healthy life“.
Ano ba ang meron sa Smartheart dog food beef and rice?
Ayon sa brand manager ng Smartheart na nakunan namin ng interview, ang Smartheart binubuo ng components tulad ng 23% ng protein, 8% ng fat, fiber na 4% at moisture na 10%. At lahat ng ito ay galing sa mga pinag-aralang high quality ingredients tulad ng mga sumusunod.
- Poultry meal kung saan ito yung mga good cuts or meaty part ng isang karne na malaking tulong para magbigay ng protein.
- Rice na nakakatulong sa digestivity at premium source of carbohydrates.
- Corn na source ng fiber.
- Chicken and fish oil naman para makatulong sa healthy skin
- Brewers dried yeast na nakakatulong din magka healthy skin.
- Yucca shidgera para naman sa less stool odor kung saan sa beef and rice lamang ang meron nito
Sa dami ng meron dito sa Smartheart Beef and Rice meron itong isang wala at ito ang food coloring unlike sa ibang variety nila which is approved kila mommy at daddy.
Ano naman ang benefits na pwedeng makuha sa Smartheart?
Ang Smartheart dog food ay on-point sa kanilang tagline na “complete and healthy life” dahil ginawa ito para sa specific needs nating mga doggos. kaya naman makakasigurado kayo sa benefits na pwedeng ibigay nito tulad ng
- Enhanced brain function
- Healthy heart dahil sa omega 3
- Nakakatulong din ito na magkaroon ng healthy skin and coat na nakukuha sa omega 3 at omega 6
- Malaking tulong ang vitamin e para magkaroon ng strong immune system
- Healthy digestion dahil sa mga high quality ingredients na nabangit namin kanina
- Strong bones and teeth dahil naman sa calcium and posperus
Saan pwedeng makabili nito?
The last time na pumunta si daddy sa Cartimar meron na syang nakitang mga store don na nagbebenta ng Smartheart. Dagdag sa listahan is ang Pet Express at Pet Lovers Centre.
Baka naman pricey ang presyo ng Smartheart?
As per brand manager na na-interview namin, naglalaro ang 20kg with free 2kg sa presyong hindi na din naman masama, Php 2,200.00 – Php 2,300.00. Kumpara sa ibang brand na nasubukan namin na nasa presyong Php 3,000.00 plus pero nasa 15kg lang.
Ano naman ang masasabi ng mga demidog na sumubok ng Smartheart dog food?
Almost one month sinubukan ng apat na adult ng camp ang Beef and Rice Smartheart Dog Food and so far so good. Kinakain nila Muffin, Cookie and Snow and wala naman kaming nakitang masamang epekto sa kanila bukod sa naging malambot lang ang poop dahil na din sa pagpapalit ng diet. Pagdating sa prinsesa naming ubod ng arte sa pagkain na si Fire. Ginagawa nyang treats ang Smartheart Beef and Rice, actually kadalasan sa kebbles, mas kinakain nya pag isa isa ang bigay na akala mo treats ang dating. Ang nakita naming changes sa mga demidog na gumamit is nag-gain sila ng weight tulad ni Snow, nadagdagaan sya ng .15kg sa loob ng 2 weeks. Maliit na numero pero may changes, maybe hindi pa din kasi purong Smartheart ang nasa bowl ni Snow. Napansin din namin lalo na kay Fire at Snow na konti lang din ang poop nila. Mas naging energetic naman sila Muffin at Cookie dahil nakikita naming nagiging playful na sila ulit. Indikasyon na yung energy na nakukuha nila sa dog food ay nilalabas nila.
Kung ila-label natin ang Smartheart sa market ang Smartheart, hindi ito kabilang sa economy group at hindi din naman sya pwedeng i-label sa high end group, more on mainstream pero meron naman itong premium ingredients. Hindi na lugi di ba?
Kung naintriga kayo at gusto nyo pa ng karagdagang detalye tungkol sa Smartheart dog foos, maaari nyong bisitahin ang kanilang booth (booth #78) sa darating na Dog and Cat Expo 2019 ng Pet Express sa SMX Convention Center Pasay City or di kaya ay bisitahin ang kanilang official Facebook Page. Meron silang discounts at bundles. Lahat ng dog food nila for Smartheart ay merong 20% discount.
Ang product (beef and rice dog food) ay sponsor ng nasabing brand ngunit ang lahat ng nakasulat tungkol sa brand ay opinion mula sa mga demidog.
Pahabol: May sinubukan din kaming dog treat ng Smartheart dahil naintriga si mommy kaya naman umorder sya sa Shopee. Ang treats na ito ay food for all breeds. Dalawang varients ang kinuha ni mommy, strong at beauty. Medyo di namin pinansin dahil masyadong matigas ang treat. Nahihirapan ang mga taga House of Pomeranian.
One thought on “Complete and Healthy Life – SmartHeart Dog Food”