Dogs really love treats, sino ba naman ang hindi di ba mga ka-woofers? Lahat tayo ay for sure may treat time sa ating mga furparents. After nating mag-shake hand, spin at roll over dapat di tayo pumayag na walang treats like dog biscuits.
Kung gaano kami kapihikan sa dog food ganun din kami sa mga dog treats. Ang una namin natikman na dog treat ay ang Crazy Dog Train Me na nabili nila Mommy Liit at Daddy Payat sa Pet Expo 2017 ng Pet Express. Isa pa sa kinakain namin na dog treats ay ang Doggie Biscuit though minsan nag iinarte si Snow. Bukod sa mga nabanggit, bihira lang din kami bilhan nila mommy ng treats dahil sa pagiging pihikan namin.
Noong January, bumili si lola (mama ni Mommy Liit) ng Milky Biscuits sa Cartimar. Ang unang nakatikim nito ay ang #Cabin of Husky. Balita namin ay nagustuhan nila Winter at Cloud pati sina kuya Cookie at ate Muffin ang Milky Biscuit. Kaya noong bumisita ang House of Pomeranian kila lola ay hindi kami pumayag na di matikman ang nasabing treats. At tama nga ang balita, masarap ang nasabing dog biscuits. Ilan sa dahilan kung bakit pasado ang Milky Biscuit sa Camp Demidog ay ang mga sumusunod
- Mabango. Pagbukas palang ng pouch hahalimuyak na ang amoy gatas nito na nakakatakam. Sabi nyo nga hooman, amoy palang ulam na.
- Snack size. Saktong sakto lang sya. Hindi sya ganun kaliit para sa large breed tulad ng nasa Cabin of Husky at hindi naman ganun kalaki para sa mga small breed ng House of Pomeranian. Kahit si Blaze na pinakamaliit sa amin ngayon ay kayang kaya kainin.
- Budget friendly. Yes mga ka-woofers sa halagang P100.00 – P120.00 lang ang 200grams ng Milky Biscuits at may laman ito ng 30+ pieces dog biscuits. Unang bili ni lola P100.00 sa Cartimar pero si Daddy P120.00 ang bili sa Cartimar. So kung tyagaan mag-libot sa loob ng Cartimar makakahanap ka ng mura. Sa Shopee naman P120.00 din ang bili ni Mommy. Kahit papano mura na kumpara sa ibang treats.
- Pwede mo dalhin paggumala. Kasi resealable. Okay to para sa mga mahihilig gumala tulad naming mga Demidog.
Last April, pumunta kami sa Pet Summit Philippines at nakabili kami sa booth nila mismo ng Doggie Biscuits at Milky Biscuits, ang Pet Plus. Ang Pet Plus Global Marketing Corporation ay na-established nong 2005 pa. Ang mga house brand na hawak nila ay ang mga sumusunod, Munch and Treats, Doggie Biscuits, Feline Essentials, Cat Toilet Sand, Fur Spa at madami pang iba. Sa kasamaang palad, ang nabili naming Milky Biscuits sa Pet Plus Booth ay may ibang amoy, hindi na sya ganun kabango at kaaya-ayang kainin. At dahil pihikan kaming mga Demidog, hindi naman nakain ang paborito naming Milky Biscuits.
Dito kami humanga sa customer service ng Pet Plus, dahil nong araw din na yun nag-report si mommy Liit sa kanila tungkol sa product na nabili namin sa kanila during the summit. At nong kinagabihan tumawag pa mismo kay mommy ang Brand Manager ng Milky Biscuits at sinabing handa silang palitan ang nabili namin. 2 days after the incident, dumating sa opisina ni mommy ang replacement ng Milky Biscuits tapos may plus one. Kaliwaan sila ni mommy sa na-purchased namin.
Kaya naman nagpapasalamat kami sa Pet Plus sa mabilis na response. At dahil dyan five pawsome stars ang rating namin sa customer service nila.
Kayo mga ka-woofers? Natikman nyo na din ba ang Milky Biscuits ng Pet Plus Global Marketing Corporation?
Ang blog post na ito ay hindi sponsored ng nabanggit na produkto at base lamang sa nasaksihan at naexperience ng aming mga furparents.
You have cute dogs ha! I have a golden retriever. I think magugustuhan niya to. Hehe.
Try it po. For sure magugustuhan nya yan.
Pet plus Milky biscuits amoy bulok na. Nag diarrhea yung aso ko
Last na bumili kami ng Milky Biscuit is nong December din pero hindi naman amoy bulok ang stock na nakuha namin sa Cartimar.
Why it seems your pooch loves your camera?! They all look adorable, and kudos for getting these treats for your babies.
Dahil sila na ang bagong influencer ngayon kaya mga camera ready 🐶😍
aww cutie snack for doggos! our toffee loves snacks. he’ll love this!
Sana ma-meet ng Camp Demidog si Toffee and share sila sa Milky Biscuits
I love your blog! Dami ko na nabasang food blogs pero bet ko to! Try ko nga din bumili para sa mga aso namin.
Thanks, ito na ang bagong influencer ngayon 🐶 Anyway, try nyo po ang Milky Biscuits minsan.
My little baby beagle Mario naman loves his Dentastix. May treat na, mabango pa breath nya. 🙂
Every dog loves dentastix, pero once a day lnga lang sya 🐶
Awww…you’re making me miss our Max. He’s living with my parents right now because he was told he wasn’t allowed here in our place when we moved. The neighbors had some really weird ”pamahiin.” I’ll get him some of this milky treats on our next visit.
I don’t have a furbaby so I don’t know but when I received some PR on dog treats, I immediately gave it to my other furparents and they love it. I think I can say that they love it just like how the furry pets like it.
If only I had dogs, I would buy this for them!!
Ang cute ang mga dogs mo. For sure my son will love them. Ipapa try ko din ang milk biscuits na to sa Bolognese pet ng hipag ko.
I love this one, ung naiimagine ko na sila talaga ung nagsasalita. Parang pag dina dub sa movies. Hehehe! A very unique way to blog. And your dogs are soooo cute. Naku magugustuhan yan ng daughter ko.
my kids have been asking for their own pet pero hindi ko pa kaya hihihi… timing naman ng blog post mo, I just finished an article about dog parks here in Korea:-)
One question. My dog love the milk biscuit’s but have reservation feeding to him as there are no ingredients listed on the pack. So really not sure exactly what am feeding my dog. Do you think safe and ethical to feed dogs any food with unknown ingredients.
As far as I remember, Milky Biscuit have the ingredients in their packaging. If you have more concern regarding their product you can contact them thru their Facebook Page.